"Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. "Sumainyo ang kapayapaan!" sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita nang makita ang Panginoon. Sinabi naman ni Jesus, "Sumainyo ang kapayapaan!Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo." Pagkatapos, sila'y hiningahanniya at sinabi, "Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalalan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin, ay hindi nga pinatawad." - Juan 20:19-23 (MBB)
Sa takbo ng panahon natin ngayon na laganap ang kumpetisyon at mga masasamang balitang natatanggap natin ngayon, maging ang ang mga problemang dumarating sa ating buhay, ay hindi natin maiwasang mag-alala, mangamba, mag-panic, at matakot. Kadalasan pa nga, ang mga balitang ito ay nakakaapekto sa ating gawain, pag-iisip, pagsasalita at pagkilos, bunga ng mga pangyayari sa ating paligid. Ngunit, sa kabila ng mga pangyayaring ito na nagdudulot ng pangamba sa ating buhay, ay mayroon pa ring mga taong dumadamay sa ating kabiguan at pangamba, mga taong ang tanging nais, ay makita tayong nasa maayos na kalagayan. Sila ay ang ating kapamilya, kaibigan, mkamag-anak, at mga taong may mabubuting kalooban. Sa kanila tayo kumukuha ng lakas at katatagan ng loob. Sa pamamagitan kanilang pagdamay, ay lumalakas tayo at nagiging matatag sa pagharap ng mga pagsubok, at nagiging matapang tayo sa pagharap nito, hanggang sa malampasan natin ito. Sa ating pagiging matagumpay sa pagsubok at mga pangamba sa buhay, ay nagiging kasangkapan din tayo upang tulungan ang ating kapwa na sila rin ay, makayanan ang kanilang pinagdadaanan sa buhay.
Ito ang katangian ng Ikatlong Persona ng ating Banal na Isangtatlo, ang Espiritu Santo, ngayong Linggo ng Pentekostes. Ang Pentekostes ay mula sa salitang Pene na ang ibig sabihin ay limampu (50). Ito ay pagdiriwang ng pista ng pag-aani ng mga Judio matapos ng 50 araw mula ng pagdiriwang ng Paskwa o Passover. Isa ito sa masayang pagdiriwang ng mga Judio sa kanilang pananampalataya.
Ang Pentekostes sa panahong Kristiyano ay maihahalintulad din natin ito sa pista ng pag-aani ng mga Judio. Sapagkat sa pamamagitan ng pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostol, ay nagkaroon sila ng tapang at lakas ng loob, upang ipangaral ang Mabuting Balita sa lahat ng tao sa Jerusalem sa ating Unang Pagbasa. Ang dating takot, ay naging matapang, dahil sa pangako ni Cristo sa kanila, na sa kanilang pangangaral, ay sasamahan sila, gagabayan sila at paaalalahanan sila ng banal na espiritu sa kanilang gagawin at ipangangaral. Kahit wala na si Cristo sa kanilang iling, ay nariyan pa rin siya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na magsisislbing lakas nila at Kadluan. Kung kaya, marami ang tumanggap, sumampalataya at nagpabinyag (Gawa 2:41). Ang dulot ng Espiritu Santo sa bawat sumasampalataya ay pagbabagong loob, panibagong sigla, at lakas, na siyang inilalarawan sa ating Salmong Tugunan. Nagbubunyi ang Salmista sa Diyos na lumalang sa lahat, dahil sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, ay nagkakaroon ng buhay ang lahat ng nilkha. Kung kaya, masaya niyang ipinagbubunyi ang kapangyarihang dulot ng kanyang Espirtu sa atin. Sa ating Ikalawang Pagbasa, ay tinatalakay ni Pablo ang mga kaloob ng Banal na Espiritu. Inihalintulad niya ito sa ating katawan, bagaman iba-iba ang katangian, kakayahan, ay iisang Espiritu ang nagkakaloob at pumapatnubay. Sa pamamagitan ng kaloob na ito, ay nagiging mabunga, maayos ang takbo ng simbahan. Ang Espiritu Santo rin ang nagbubuklod sa atin upang magkaisa sa kabila ng ating kaibahan. Ang pagtataglay ng iisang pananampalatayang tinanggap natin ang nagbubuklod sa atin na maging isa. At sa ating mabuting Balita ngayon, ay makikita natin na si Jesus ay napakita sa kanyang mga alagad. Dahil sa takot sa mga Judio, ay nagtago sila nang namatay ang Panginoon sa Krus. Nang napakita siya sa kanila, imbis na panumumbat, ay kapayapaan ang bati sa kanila. nang ipakita niya ang kanyang sugat sa kamay at tagiliran, ay natuwa ang mga alagad, dahil napatunayang siya'y buhay. Matapo ito, ay hiningahan sila, at isinugo, taglay ang Banal na Espiritu, at kapangyarihang magpatawad ng kasalanan at di magpahintulot sa pagkakaloob ng kapatawaran. Ipinapakita sa atin ni Jesus ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu bilang lakas ng Diyos na siyang nagkakaloob ng ibayong lakas, katatagan, pag-asa, at buhay, sa gitna ng ating mga takot at pangamba sa ating buhay. Kung kaya, tinatawag din na mang-aaliw ang Banal na Espiritu dahil sa biyayang dulot nito sa tatanggap sa kanya.
Ngayo din ay ipinagdiriwang ngayon ang kaarawan ng simbahan. Dahil sa Pentekostes, ay dito nagsimula ang simbahan, sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga apostol, ay unti-unting lumago ang simbahan, at lumaganap ito, hindi lamang sa Jerusalem, kundi maging sa kaatig bansa nito at sa buong mundo. Hanggang ngayon ay patuloy na lumalaganap ang Simbahang pangkalahatan o Katoliko. Kahit magkakaiba man ng lahing pinagmulan, kulturang kinamulatan, at iba't-ibang kakayahan, at nagkakaisa, dahil sa pananampalatayang tinanggap nito sa mula sa mga Apostol, hanggang sa kanilang kahalili, ang Santo Papa, mga Obispo, Pari, Layko. Ipanalangin natin ang ating Inang Simbahan, sa tulong ng Espiritu Santo, na maging matatag ito, sa kabila ng mga maling aral na patuloy na lumalason sa ating lipunan, at maging matapang na ipagtanggol ang mga turo ni Cristo na ipinangaral ng kanyang mga alagad.
Nawa'y lagi tayong mapuspos ng Espiritu Santo, na siyang Lakas ng Diyos na ating kinakailangan sa pagharap natin sa bawat araw ng ating buhay. Upang sa gayo'y makita at maranasan ng lahat ang Makapangyarihang pagkilos ng Diyos sa ating buhay.
No comments:
Post a Comment