"Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid. Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis." "Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang pahintulutan ninyo dito sa lupa ay pahihintulutan sa langit. "Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila." - Mateo 18:15-20 (ABMBB)
Isang kilalang awitin na ating kinakanta kadalasan twing recessional o katapusang awitin sa misa twing kwaresma ay ang "Pananagutan". Ang awiting ito ay nagpapakilala sa atin lahat tayo ay di nabubuhay para sa sarili lamang, kundi, sa bawat sandali, kailangan natin ang ating kapwa, upang mas lalo pa nating makilala ang ating sarili, maging magaan ang bawat gawain natin sa bawat araw. Hindi maitatanggi ng bawat tao na kailangan nila ang kalinga ng kapwa upang mas lalo pang maging magaan nilang harapin ang bawat hamon na hinaharap nila sa buhay. Pinatotohanan ito ng Mangangaral o ni Qoheleth, ang sumulat ng aklat ng Ecclesiastes o Mangangaral, "Ang dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng gagawin nila. Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa pagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwal." (Mangangaral o Ecclesiastes 4:9-10 (MBB)).
Maging si Apostol San Pablo ay sumasang-ayon din na walang sinuman ang nabubuhay at namamatay sa sarili, kundi mabuhay man o mamatay, ay sa Panginoon tayo, kung kaya, nararapat lamang na iwaksi ang pagkakaalit sa bawat kapatid, dahil ang lahat ng ito ay ipagsusulit natin sa Diyos pagdating ng araw (Roma 14:12). Kung kaya ang bawat isa, anuman ang kinalalagyan ng bawat isa, ay ating kapatid o kapwa, nararapat pakitunguhan ng maayos, matuwid, upang sa gayo'y maging mabunga ang pagsasama ng bawat isa.
Ang isang halimbawa ng pakikitungo sa kapwa ay ang pagtutuwid sa kamalian ng kapwa at ang pagtataglay ng isang diwa harap ng Diyos. Gaya ng ating mababasa sa Ebanghelyo ngayong linggong ito. Subalit, upang maging mabisa ang unang pamamaraang itinuturo sa atin ni Jesus, ay kapag nasumpungan mo ang kapatid mo na nagkakasala, hindi lang kapatid sa pamilya, kundi sa bawat mananampalataya at katulad rin nating nilalang ng Diyos ay kausapin ng sarilinan, hindi ang ihayag o ikuwento sa iba ang nagawang pagkakasala. Subalit, dapat nangingibabaw dapat ang tunay na layunin na ituwid ang pagkakamali, hindi ang pairalin ang pansariling kapakanan o ang magmapuri sa sarili. Kung hindi makinig, ay magsama ng mga saksi, hindi basta saksi, kundi mga saksing nakakaalam ng ng pagkakasala ng nagkasala at nagtataglay rin ng parehong layunin at diwa na maituwid ang nagkasala, upang hikayating magbago. Kung hindi, ay ipahayag nya sa Simbahan ang sitwasyong kinalalagyan nila, upang sa gayon, ay mapayuhan sila kung ano ang nararapat at maging patas ang bawat pagtutuwid ayon sa turo at kalooban ng Diyos. Kung hindi makinig, ay ituring na siyang hentil o publikano, ibig sabihin, ay dito na natatapos ang pananagutan ng isang tao kapag matapos ginawa ang lahat, ay di pa rin nakinig. Ito'y pagpapakita na natatapos lamang ang pananagutan ng isang tao sa kapwa nya kung matapos gawin ang lahat, mapabuti siya ay hindi pa rin nakinig, ang mismong pinagsasabihan ay bahala na siyang magpasya sa sarili nyang kagustuhan, kung magbabago ba siya o hindi. Ang pagpapahintulot at pagbabawal sa lupa ay nagpapakita ng kung anuman ang ginawa natin sa lupa, ay siya ring igagawad natin sa langit. Mabuti man o masama. Sapagkat ang ating pananagutan sa ating kapwa ay ipagsusulit natin ito sa Diyos, dahil sila ay kapatid natin na nilalang ng Diyos, at nararapat ding pakitunguhan ng maayos katulad ng inaasahan natin sa ating kapwa. Sa wakas, ay ipinahayag ng ating Panginoon na sa twing tayo'y nagkakaisa, nagtataglay ng parehong diwa sa paningin ng Panginoon, anuman ang hingin, ay ipagkakaloob ng Diyos. Sapagkat ang presensya ng Diyos ay nananahan sa kanila at nakikita ang Diyos sa kanilang buhay. At dahil sa ganitong pagtataglay ng kapaerhong diwa, ay nagugustuhan ng Diyos ito, dahil ang tanging hangad nila ay ang makapagbigay lugod ang bawat isa at maparangalan ang Diyos na kanilang kinkilala. Kung kaya may pangako siya sa kanila na sa tuwing may nagkakatipon kahit dalawa o tatlo na nagkakasundo sa harapan niya, ay laging kasama nila siya. Isang pangako na inilalaan nya sa mga taong nagtataglay ng pagkakaisa, nagpapahalaga sa bawat isa at patuloy na ang nilalayon ay parangalan ang Diyos at kapwa.
Ang ganitong pagtataglay ng pagpapahalaga sa ating pananagutan sa kapwa ay makikita natin sa Unang Pagbasa. Ipinapahayag sa atin ni Propeta Ezekiel na anuman ang tagubiling tinanggap natin sa Panginoon ay ihayag natin sa bawat tao, lalo na sa mga taong namumuhay sa kasalanan. Kapag ito ay hindi naipahayag ng tumanggap nito, ay makakatangap siya ng kaparusahan, dahil sa hindi natin pagkilos para mailigtas ang kapwa. Dahil tayo ay may pananagutang ipakilala ang Diyos sa lahat, at tungkuling akayin ang kapwa patungo sa Diyos upang maligtas at huwag mapahamak. Kung sakaling di makinig at mamatay, ay wala nang pananagutan ang nagpahayag. Dahil matapos niyang ipahayag ito, at di naman nakinig, at ginawa ang lahat upang maligtas ang makasalanan, ay doon na natatapos ang kanyang pananagutan, walang pagkakasalang naganap. Sa Salmong Tugunan naman ay nag-aanyaya ang Salmista na sumamba at kilalanin ang Diyos na lumalang sa atin, ang Diyos na nagliligtas at kanlungan natin sa panahon ng pagsubok. Gayun din na sa panahong marinig nila ang tinig ng Diyos, ay wag nang pagmatigasin ang kanilang puso, wag magbingi-bingihan. Sapagkat, itinulad nya ang nangyari sa bayang Israel noon na dahil sa pagsuway sa mga utos ng Diyos na dapat nilang sundin. Ito rin ay isang babala na sa twing tayo ay di sumusunod, kapahamakan ang dulot nito. Sa Ikawalang Pagbasa, ay pinapayuhan ni Apostol San Pablo ang mga Kristiyano sa mga Taga Roma na dapat ay walang maging sagutin ang sinuman, walang naidudulot na pagkakasala sa sinuman, kundi tanging pag-ibig lang ang kanilang sagutin sa bawat isa. Sapagkat ang sampung utos na kanilang natutunan at ang ilang batas ni Moises, ay nalalagom sa iisang utos lang: "Ang Ibigin ang Iyong Kapwa, gaya ng iyong pag-ibig sa Sarili" (Roma 13:9b (MBB)). Ang pagsunod sa batas ay pagpapakita ng ating pag-ibig sa Diyos at kapwa. Samakatuwid, sa twing tayo'y sumusunod sa utos ng Diyos, ipinapakita natin ang pagmamahal sa kanya, at ang pagmamahal na ito ay nakikita sa pamamagitan ng pagpapahalaga natin sa kapwa, gaya ng ipinakitang pagpapahalaga ng Diyos sa ating personal na buhay.
Nawa'y palagi nating makita sa ating buhay ang tunay na pagsunod sa Diyos sa pamamagitan ng ating pagpapahalaga sa kapwa. Upang sa gayo'y madama nila ang pagkalinga ng Diyos sa pamamagitan nating nakakalasap ng kabutihan ng ating Diyos.

No comments:
Post a Comment