Sumagot si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y kilala ninyo, a kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita. Sinabi sa kanya ni Felipe, Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami. Sumagot si Jesus, Felipe, kaytagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nasa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko. Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Kung hihiling kayo ng anuman sa aking pangalan, ito ay aking gagawin. - Juan 14:6-14 (ABMBB)
Lahat tayo ay naghahanap sa Diyos. Isa itong katunayan na lahat tayo ay naniniwala na may lumikha sa atin na patuloy na kumakalinga sa atin. Kahit hindi natin nakikita. Naniniwala tayong hindi lamang siya nakaupo sa langit, at nanonood sa ating mga gawain. Siya ay patuloy na kumikilos, nakikisalamuha sa ating lahat. Dama niya ang ating mga pangangailangan, kasiyahan, kalungkutan, at higit sa lahat, ay alam din niya ang ating iniisip at gagawin. Ipinakita niya ito sa atin sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng kanyang anak na si Jesu-Cristo. Sa pamamagitan niya, ay naramdaman ng mga tao ang presensya ng Diyos. Lalo na sa mga dukha at aba na inaakala nilang nilimot na sila ng Diyos. Sa panahon natin ngayon, ay marami ang naghahanap kung paano aabutin ang Diyos. kanya-kanyang paraan upang madama nila ang kanyang presensya. Kahit na may pagkapanatiko, para maabot lang ang kaligtasang minimithi. Kung kaya, marami na ang nalilito, sino at ano yung tamang daan ba ang susundan? Maraming daan na nagpapakilala kung saan ang tamang landas patungo sa kanya.
Ipinakikilala sa atin ng ating Ebanghelyo sa araw na ito ni Jesus na siya ang daan, katotohanan at buhay sa kanyyang mga alagad. Siya ang tagapamagitan at lubos na nakakakilala sa Ama na patuloy nating nilalapitan. Nang marinig ito ni Felipe, ay inakala niyang ang literal na sinabi ni Cristo na ang nakakita sa kanya ay nakakita sa Ama kung kaya hiniling niya na makita ang anyo ng Diyos. Niliwanag ni Jesus na hindi literal na anyo ng Diyos ang tinutukoy niya. Kundi ang gawain ni Jesus ay nagpapakilala kung sino ang Diyos at ano ang tunay na katangian niya. Ipinapakita niya sa atin ngayon ang tunay na anyo ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang gawa, bilang isang Diyos na mahabagin, maunawain, mapagpatawad, at mapagmahal. Kung mananatili tayong maigi kay Jesus, ay hindi tayo maliligaw sa mga maling pag-unawa sa katangian ng Diyos na ipinakikilala ng mundo. Sapagkat si Jesus ang tunay na nakakaalam kung paano tayo makalalapit at makikilala nang husto ang Diyos na dapat nating parangalan at pasalamatan.
Nawa'y manatili tayo kay Jesus na siyang daan, katotohanan at buhay patungo sa Ama. Upang sa gayo'y maunawaan natin ang tamang landas na pinakananais ng Diyos sa atin, ang lumakad sa kanyang daan.

No comments:
Post a Comment