Minsan, habang nakatayo si Jesus sa tabi ng Lawa ng Genesaret, nag-uunahan ang napakaraming tao sa paglapit sa kanya upang makinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa tabi ng lawa; wala sa mga bangka ang mga mangingisda kundi nasa lawa at naglilinis ng kanilang mga lambat. Sumakay siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simon, na may-ari ng bangka, na ilayo ito nang kaunti. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao. Pagkatapos niyang mangaral, sinabi niya kay Simon, "Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli." Sumagot si Simon, "Guro, magdamag po kaming nagpagod ngunit wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat." Ganoon nga ang ginawa nila, at nakahuli sila ng maraming isda, kaya't halos mapunit ang kanilang mga lambat. Kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa kabilang bangka upang magpatulong. Lumapit naman ang mga ito at napuno nila ang dalawang bangka, anupa't halos lumubog ang mga ito. Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya'y lumuhod sa harap ni Jesus at sinabi, "Layuan po ninyo ako, Panginoon, sapagkat ako'y isang makasalanan." Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli, gayundin sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo at mga kasosyo ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon, "Huwag ka nang matakot. Mula ngayo'y mga tao na, sa halip na mga isda, ang iyong huhulihin." Nang maitabi na nila ang mga bangka sa pampang, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus. - Lucas 5:1-11 (ABMBB)
Ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan ng Diyos upang makibahagi sa kanyang dakilang misyon, anuman ang katayuan na kinabibilangan natin sa buhay. Ito ay isang katunayan na ang bawat isa sa atin ay may papel na ginagampanan, di lamang sa ating lipunan, kundi lalo na sa Bayan ng Diyos na ating kinabibilangan. Sapagkat sa twing tumutugon tayo sa paanyayang makibahagi sa gawaing ito, ay di lamang nagagamit natin ang aing kakayahan para mas lalo pang tumibay at lumago ang simbahan, kundi ay nakikita natin ang aking kabuluhan at kahalagahan sa iba. Nagiging inspirasyon rin ang bawat pagsisikap at pakikibahagi sa gawaing ito para sa iba, upang sa gayon ay makita rin nila ang isang magandang misyon na paanyaya sa kanila ng Diyos na sa kanya lamang matatagpuan ang tunay na dahilan ng ating pag-iral sa mundong ito: Ang Dalhin si Cristo sa Bawat Isa. Sa ating Mabuting Balita ngayon, ay makikita natin ang pagtawag ni Jesus sa kanyang unang alagad. Matapos mangaral ni Jesus sa maraming tao sa tabing lawa, ay iniutos niya kay Simon na pumalaot at mangisda. Kasikatan na ng araw na iyon at walang nahuli sila Simon sa buong magdamag nilang pangingisda. Dahil sa bihasang mangingisda si Simon, ay imposibleng makahuli ng isda sa araw, dahil madaling makita ng isda ang bangka na huhuli sa kanila. Bagaman imposible kay Simon ito, ay buong pusong sumampalataya siya sa sinabi ni Jesus, dahil na rin sa naging bantog na ang Panginoon sa lahat, dahil sa mga balitang naririnig nya sa ibang tao. At dahil sa pagsunod nito ni Simon, ay hindi siya nabigo, maraming isda siyang nahuli, anupat hindi na nagkasya sa kanilang banga kung kaya tumawag sila ng ibang kasamahan upang magpatulong. Nang makita ito ni Simon, ay nanggilalas siya at nagpatirapa, sapagkat dakila ang tumawag sa kanya. Kung kaya nagsumamo siya na hindi siya kapat-dapat sa kanya. Ngunit, pinagsabihan siya ni Jesus na wag matakot at ipinahayag nya na hindi na isda ang huhulhin nya, kundi mga ao. Isang paanyaya ito na siya ay magiging alagad nya, maghahatid ng Mabuting Balita sa lahat upang ang lahat ay maipalit sa Diyos, katulad ng ipinakita niya sa kanila. Ang Ebanghelyong ito ay isang paalala sa atin na kahit sa kabila ng ating kapayakan, kakulangan, at ating kahinaan, ay tinatawag tayo ng Diyos na makibahagi sa kanyang gawain, sapagkat ang bawat isa sa atin ay may gawaing ibigay ang Diyos upang mahayag siya sa lahat, anuman ang ating gampanin sa buhay, subalit sa ating pagtugon, ay nararapat lamang na may kalakip na pananampalataya at pagtitiwala na siya ang makapupuno ng ating kakulangan at kahinaan.
Nawa'y buong pananampalatayang may pagtitiwala nating tugunin ang bawat paanyayang ipinapahayag sa atin ng Diyos upang makilala siya sa lahat. Upang sa gayo'y kahit sa kaliitan ng ating gawain, ay madarama at makikilala si Cristo na tanging makapagdudulot ng katiwasayan at kapanatagan sa ating buhay.

No comments:
Post a Comment