Isang Araw ng Pamamahinga rin noon nang pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. Doon ay may isang lalaking paralisado ang kanang kamay. Sa hangad ng mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo na magkaroon ng maipaparatang kay Jesus, binantayan nila si Jesus upang tingnan kung siya'y magpapagaling ng maysakit sa Araw ng Pamamahinga. Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, "Halika rito sa unahan." Lumapit ang lalaki at tumayo nga roon. Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo, "Tatanungin ko kayo. Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?" Tiningnan niyang isa-isa ang mga taong nakapaligid at pagkatapos ay sinabi sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay!" Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at ito'y gumaling. Nagngitngit naman sa galit ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, at pinag-usapan nila kung ano ang dapat nilang gawin kay Jesus. - Lucas 6:6-11 (ABMBB)
"Makuha ka sa Tingin!" Ito ang isa sa malimit na expression nating mga Pilipino kapag may mga pagkakataong sa halip na sabihin ang ating mga nais sabihin sa ating kapwa, lalo na kung ito ay nakakasama, ay idinadaan na lang natin ito sa ating expression kung paano tayo tumingin sa kapwa. Sa halip na masaktan o magsimula ng anumang sigalot, ay idinadaan na lang ito sa kung papaano natin tingnan sila sa pamamagitan ng ating mga mata. Ang Halimbawa nito ay ang pag-irap, kapag galit, ang di pagsulyap ng tingin sa isang tao ay pagpapakita ng pagiging ilang o may itinatago sa isang tao. Kapag nakatingin ka sa taong nagsasalita, ibig sabihin, interesado ka sa sinasabi sa iyo ng nagsasalita, at kapg di interesado, ay kung saan saan na tumingin, at naghihintay na lang na matapos ang sinasabi ng nagsasalita. Ilan lamang ito sa mga expression ng ating mata sa twing tayo ay nakikisalamuha sa ating kapwa. Naalala ko tuloy ang biro sa akin ng kaibigan ng tatay ko na na kahit di ako magsalita, ay halata na raw kung ano reaction ko sa mga nangyayari sa paligid ko at sa kanilang ikinukuwento. Dahil dito, napatunayan ko na kahit sa tingin, ay kaya nating ipakita sa kanila ang ating saloobin at ang bawat reaksyon natin ukol dito.
Makikita rin natin sa ating Ebanghelyo ngayong araw na ito ang isang tagpo ng pagpapagaling ng Ating Panginoong Jesus sa isang lalaking paralisado ang kamay. Nang makita ito ng mga Pariseo, ay kanilang binatayan siya. Dahil na nahalata ito ng Panginoon, ay kanyang tinanong sila kung ano ang mas mahalaga, ang gumawa ng mabuti o masama sa araw ng pamamahinga? Pagkatapos, tiningnan nya ang lahat ng nasa loob ng Sinagoga at pinagaling ang lalaki. Nagngitngit ang Pariseo dahil sa pangyayaring ito. Ipinapakita nya sa atin na sa halip na tinging masama, ay nararapat lang na may pagkahabag at pagmamalasakit ang siyang ipakita natin sa ating kapwa. Sapagkat tayo ay inaasahan ng Diyos na magpakita ng habag at kalinga sa bawat isa, tanda ng ating pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng ating pagpapakita ng pagkalinga sa lahat ng tao.
Nawa'y makita natin at ating ipakita ang ating pagmamalasakit sa iba kagaya ng ipinakita sa atin ng ating Panginoon sa Ebanghelyong ito. Sa pamamagitan ng ganitong ugali, ay naipapakita natin sa lahat ang pagmamalasakit ng Diyos sa pamamagitan natin na nagsasabuhay ng kanyang Mabuting Balita.

No comments:
Post a Comment