Monday, February 28, 2011

Galak, Hapis At Tagumpay! (Martes sa Ika-8 Linggo Sa Karaniwang Panahon, Taon I)

At nagsalita si Pedro, "Tingnan po ninyo, iniwan na namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo." Sumagot si Jesus, "Tandaan ninyo: ang sinumang nag-iwan ng kanyang tahanan, o mga kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang Balita, ay tatanggap sa buhay na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating, magtatamo siya ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na mahuhuli, at maraming nahuhuli ang mauuna." - Marcos 10:28-31 (ABMBB)


Noong dumalaw ang imahen ng Birhen ng La Naval de Manila sa Letran-Calamba, ay nasabi ng dati naming Rector na si Fr. Rolando dela Rosa, OP sa kanyang misa na ang rosaryo ay sumasalamin sa buhay ng bawat Kristiyano. Kung paano sa bawat butil ng Aba Ginoong Maria ay nasasalamin ang buhay na may tuwa at puno ng sorpresa, ay laging may krus na nakakabit dito, na sa buhay natin, ay hindi nain maiiwasang makaranas tayo ng pagsubok at kalungkutan, na siyang nagdudulot ng bagabag sa buhay natin. Ngunit, hindi lang sa krus nagtatapos ang lahat ng ito, kundi, mula sa krus, ay ipinakita ng ating Panginoon ang kanyang pagtatagumpay mula sa kamatayan. Ipinapakita niya sa atin na sa gitna ng unos na dumarating sa buhay natin, ay may bahaghari at araw na sisilay sa ating buhay. Kapag nalagpasan natin ang mga hamong ito, ay makakadama tayo ng kaligayahan at ibayong lakas, dahil sa tagumpay na ating natamo. At siyang nagiging liwanag din sa lahat upang magsilbing halimbawa tayo sa lahat ng tao. Habang pinagninilayan ko ito, ay napatingin ako sa aking rosaryo at naagnilayan ko ang mga sandaling ng tuwa, hapis at luwalhati sa buhay ko. Oo nga, tulad ng rosaryo, ay ganun din ang buhay ko. Minsan, may tuwa, minsan ay may kalungkutan, ngunit, dahil sa tulong at paggabay sa atin ng Diyos, ay nagiging magaan ang buhay natin, at nagiging matagumpay tayo sa lahat. At nagsisilbi tayong liwanag sa iba, dahil sa mabuting balita na ating isinasabuhay at nakikita ng lahat ng taong makakakita sa atin.
Ang Mabuting Balita natin sa araw na ito ay pagpapatuloy ng Mabuting Balita natin kahapon. Matapos umalis at magturo si Jesus, ay sinabi ni Pedro sa ating Panginoon na iniwan niya ang lahat at sumunod sa kanya. Iniwan niya ang kanyang pamilya, asawa, ari-arian at lahat ng kanyang tinatangkilik, masundan lamang niya si Jesus. Sinabi ng ating Panginoon sa kanya ang mga kundisyon ng pagiging alagad niya. Nasabi niya na kapag iniwan ng isang tao ang lahat ng kanyang pamilya, tinatangkilik, at kabuhayan para sa kanya, ay magtatamo siya ng gantimpala. Hindi nangangahulugang literal na iiwan ang lahat, at pababayaan mo ang iyong pamilya, trabaho o huwag ka nang magtrabaho at huwag ka nang mag-asam na maging maginhawa sa buhay. Kundi ang ninanais ng ating Panginoon ang laging maging una siya sa lahat ng ating gawain. Hindi rin nangangahulugang puro dasal at titigil na tayo sa ating gawain, kundi, ay laging isabuhay ang mabuting balita niya sa bawat araw ng ating buhay, siya ang laging sentro ng ating buhay. Ang pagsunod nating ito ay maghahatid sa atin ng tunay na kagalakan, dahil sa mga pangako niyang ibininigay sa atin.  Ngunit, ay ibinabala ng ating Panginoon, na habang sumusunod tayo sa kanya, ay maraming hamon at pagsubok na darating sa buhay natin. Ngunit sa kabila nito, ay may nakalaang pangako siya sa bawat susunod sa kanya. Ito ay ang buhay na walang hanggan. Nasabi rin niya na maraming nauuna na mahuhuli, at maraming nahuhuli ang mauuna. Ipinapakita niya sa atin na marami ang nagnanais na maging karapat-dapat sa kaharian ng Diyos, ngunit, hindi lahat ay makakarating, dahil sa ang tunay na karapat-dapat ayang mga taong tunay na sumusnod sa kanyang kalooban, ang hindi nagtatangi, namimili ng susunding utos, ang nagtitiis sa pagsubok, at laging tinatanaw ang pag-asa ilalaan sa bawat sumusunod sa kanya.

Nawa'y palagi tayong magalak, tiisin ang hapis, asamin ang pangako at tagumpay na ating natamo at makakamit sa hinaharap sa ating pagsunod sa kanya. Upang sa gayon, ay maging ilaw tayo sa buong sanlibutan, na maghahatid ng galak at pag-asa sa gitna ng hapis na kanilang pinagdadaanan.

Sunday, February 27, 2011

Sumunod ng Lubos! (Lunes, sa Ika-8 Linggo Sa Karaniwang Panahon Taon I)

Nang siya'y paalis na, may isang lalaking patakbong lumapit kay Jesus, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, "Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?"  Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos ng Diyos, 'Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; huwag kang mandaraya; igalang mo ang iyong ama at ina.' " Sumagot ang lalaki, "Guro, mula pa po sa aking pagkabata ay tinutupad ko na ang mga iyan." Magiliw siyang tiningnan ni Jesus at sinabi, "May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin." Nang marinig ito ng lalaki, siya'y nanlumo at malungkot na umalis sapagkat siya'y lubhang napakayaman. Pinagmasdan ni Jesus ang mga nasa paligid niya at sinabi sa mga alagad, "Tunay ngang napakahirap para sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos!" Nagtaka ang mga alagad sa sinabi niyang ito. Ngunit muling sinabi ni Jesus, "Mga anak, talagang napakahirap b makapasok sa kaharian ng Diyos! Mas madali pang dumaan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa isang mayaman na mapabilang sa kaharian ng Diyos." Lalong nagtaka ang mga alagad, kaya't nagtanong sila, "Kung gayon, sino pa kaya ang maliligtas?" Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos." - Marcos 10: 17:27 (ABMBB)


Nakakaaliw makinig ng Salita ng Diyos. Sabi nga sa sulat sa mga Hebreo, ang Salita ng Diyos ay mas matalas pa sa alinmang tabak na magkabila'y talim. Tumatagos sa katawan, kaluluwa at espiritu, at nasisiwalat ang lahat ng pag-iisip ng tao (Heb. 4:12). Kapag maganda ang mensahe at katanggap-tanggap sa pandinig, ay natutuwa tayo at masigasig tayong magbahagi, ngunit, kapag medyo hindi na maganda sa ating pandinig, ay kumukunot na ang ating noo, ngumingiwi, napapailing, at tumitigil na sa pakikinig. Dahil sa tinatamaan sila ng Salita na kanilang napapakikingan. Kapag hindi na ito umaayon sa kanlang kagustuhan, ay kanilang tinatalikuran nila ito at hindi na nakikinig sa Salita ng Diyos. Kung kaya, marami sa mga Kristiyano ang masiglang naglilingkod nga, laging present sa lahat ng activities, sobrang loyal sa mga gawain, kahit wala nang panahon sa pamilya, ay hindi nababago ang kanilang buhay. Walang pagbabago sa kanilang buhay, dahil ayaw nilang hayaan ang Salita ng Diyos na baguhin sila nang unti-unti, dahil ayaw nilang isuko o talikuran ang mga bagay na hinihingi sa atin ng ating Panginoon. 

Matutunghayan natin sa ating Ebanghelyo gayon ang isang mayamang lalaki na lumapit kay Jesus na nagnanais sumunod sa kanya. Tinanong ng binata sa ating Panginoon kung ano ang dapat niyang gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan. Nasabi ni Jesus na sumunod sa mga utos ng Diyos, tulad ng utos ni Moises. Nasabi ng binata na mula pa sa pagkabata ay sinusunod na niya ito. Dahil dito, ay hinamon siya ni Jesus na ipagbili niya ang lahat ng kanyang pag-aari, pagkatapos ay sumunod sa kanya. Dahil dito, ay nalungkot ang lalaki at umalis. Pagkaalis ng lalaki, ay itinuro ni Jesus sa laht ng tao at sa kanyang mga alagad na mahirap pumasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos, dahil sa hindi nila mabitiwan ang mga bagay na kanilang tinatankilik. Inihalimbawa ni Jesus ang kamelyo sa lalaking mayaman. Sapagkat ang mga mga hayop noon ay ikinukulong sa sabsaban na kalimitan ay sa mga yungib o kweba. Kahit malit at masikip ang butas, nay nakakapasok ang kamelyo at nakakasumpong ng kapahingahan doon. Dahil dito, ay tinanong siya ng kanyang mga alagad na sino ang maliligtas, dahil sa hirap ng hamong kanyang ipinahayag sa kanila. Ngunit, sinabi ni Jesus na sa paningin ng tao, ay mahirap sundin ito, ngunit, sa Diyos, ay madali lang. Nais niyang ipabatid na kung gagawin lang natin ito sa ating sarili, ay hindi natin makakaya ito, dahil sa hirap isuko ang mga bagay na nakasanayan natin at nakagawian, ngunit, kung hihingin natin ang kanyang tulong at biyaya, ay makakaya natin ito, sapagkat siya ang mangangalaga at magpapalakas sa atin sa bawat hamong haharapin natin sa pagsunod sa kanya. Hindi sinabi ni Jesus dito na ang mga mayayaman ay hindi na makakapasok sa kaharian ng langit. Hindi bawal magsikap at maging mariwasa. kundi, ay sa ating pagsunod sa kanya, ay hindi dapat tayo maging mapili o mapagtangi sa kung ano lang ang gusto natin, sapagkat ang tunay na pagsunod at pagiging alagad, ay buung-buong pagsunod at handang maging katulad ng Panginoon na sinusundan niya, na mula sa pagiging Diyos ay nagkatawang tao at nanirahan sa piling natin, upang makita sa atin ang larawan ng Diyos na patuloy na nangangalaga at nagtataguyod sa ating kapakanan.

Nawa'y maging hamon sa atin ang Mabung Balita ngayon ang tunay na pagsunod sa kalooban ng Diyos na walang itinatangi, at hingin natin sa kanya ang biyaya at lakas sa bawat hamong kailangan nating harapin. Upang makita sa atin ang tunay na pagiging alagad na nakikita ang pagkilos ng Diyos sa bawat araw na tayo'y naglilingkod sa kanya. 

Saturday, February 26, 2011

Manalig Sa Kanyang Kalinga (Linggo sa Ika-8 Linggo Sa Karaniwang Panahon, Taon A)

 "Walang aliping makakapaglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan. "Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin d upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa? "At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buhay ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!  "Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan. "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw." - Mateo 6:24-34 (ABMBB)

Ang isa sa mga iniutos ng Diyos sa mga tao ay ang magtrabaho upang mabuhay. Ito ay iniutos niya sa ito sa ating unang magulang na sina Adan at Eba, matapos silang magkasala at paalisin sa paraiso (Gen. 2:17b-19a). At maging si San Pablo ay pinayuhan niya ang mgaUnang Kristiyano sa Tesalonica na ang lahat ay magtrabaho sa kanyang ikinabubuhay at hindi umaasa sa iba, at maikalam sa buhay nang may buhay (2 Tes. 3:11-12. Ngunit, sa panahong ito, na matindi ang kumpetisyon sa ating lipunan, lahat ay sinisikap na maging maunlad sa buhay, kahit na nawawalan ng panahon sa kanilang pamilya, sa sarili at sa Diyos. Matugunan lamang ang pangangailangan nila upang mabuhay. Naalala ko nung ako ay nakapagtrabaho sa isang kumpanyang pinaglingkuran ko. Dahil sa pagiging abala sa lahat ng mga gawain sa opisina at simbahan, na halos hindi mo na alam kung anong uunahin mo at kailangang tapusin agad, ay unti-unting nagkakasakit na ako, hanggang sa unti-unting bumibigay na ang aking katawan dahil sa pagod.Madalas din ay napapansin sa akin ng aking mga kakilala at mga kaibigan na nangangayayat ako dahil sa kailangan kong magtrabaho. Dahil dito, ay pinayuhan ako ng doktor na magpahinga muna. Kung kaya't nag-resign ako. Nalungkot ako sa aking pagre-resign. Nandito na masyado akong naging balisa dahil sa mga balita tungkol sa mahirap humanap ng trabaho sa panahong ito, at dahil sa medyo tumatanda na ako, ay hindi ko maiwasang mangamba, dahil sa baka wala nang kumuha sa akin, dahil sa maraming mga mas bata ang mga makakakumpitensya ko sa paghahanap ng trabaho. Ngunit, dahil sa panghahawak ko sa pangako ng Diyos, ay hindi ako nabigo sa pag-asa sa kanya. Nagkaroon ako ng bagong trabaho na mas malapit sa tinitirhan ko, mas malaki ang sweldo at maraming benefits na makukuha, Magsisimula na ako sa March 7. Bagaman panggabi ang trabaho ko, ay tinatanaw ko ito ng malaking utang na loob sa kanya, dahil hindi niya ako pinabayaan sa aking mga pangangailangan.


Matutunghayan natin sa aing Ebanghelyo ngayon ang pagtuturo ng ating Panginoon sa kanyang mga alagad lahat ng alagad na hindi maaring maglingkod ang tao nang sabay sa Diyos at sa kayamanan. Itinuturo sa atin ni Jesus na dapat ay mamili sa isa, sapagkat ang paglilingkod ay dapat kakitaan ng buong pusong pagmamahal sa Panginoong pinaglilingkuran. Mahirap maglingkod nang sabay dahil kapag hiningi ng isa na talikuran ang isa, ay mahihirapang mamili ang naglilingkod kung sino ang pipilin niya, dahil na rin sa dami ng kanyang ninanais na makamit, na hindi niya makuha sa isang pinaglilingkuran.  Sapagkat kinakailangang bigyan niya ng buong pansin ang panawagan nito sa kanya. Hindi literal na sinasabi niya sa atin na tanggihan o huwag na tayong magtrabaho para maging maginhawa, kundi ay dapat na maging una ang Diyos sa lahat, at huwag tayung masyadong magpaalipin sa mga bagay na ating tinatangkilik. Sapagkat, ito'y hindi nakakatulong sa ating buhay ang labis na pag-aalala, bagkus ay nagdudulot pa ito ng kapahamakan. Inihalimbawa niya ang mga maya at ang liryo sa ating mga tao. Dahil ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng nilikha niya ay alam niya, ay siya ang nagbibigay nito. Ito rin ang pangakong binitawan ng Diyos sa kanyang bayan sa unang pagbasa, na kahit na talikuran pa man tayo ng ating pamilya o ng lahat ng tao, ay nangangako ang Diyos na hindi niya iiwanan ang sinuman sa atin, dahil sa kanyang labis na habag at pag-ibig niya sa lahat ng kanyang nilikha. Anuman ang katayuan niya sa mundo. Maging sa ating salmong tugunan, ay maliwanag na inaanyayahan ang salmista na patuloy taong lumapit sa Diyos na patuloy na nagmamahal sa atin. Sapagkat siya ay matibay nating masasandalan, tanggulan at kanlungan. Inaanyayahan niya tayo sa huli na magtiwala sa kanyang kapangyarihan at magagawa, sapagkat siya ay maasahan sa lahat ng ating pangangailangan.

Nawa'y matuto tayong magtiwala at kumapit sa kanyang kapangyarihan, lalo na sa panahon ng kagipitan. Sapagkat siya ay tunay at labis na nangangalaga at nagpapahalaga sa lahat ng ating pangangailangan (1 Ped. 5:7) 

Friday, February 25, 2011

Magpakita ng Pagiging Magiliw(Sabado, sa Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon)

May mga taong nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay, ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. Nagalit si Jesus nang makita ito at sinabi sa kanila, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. Tandaan ninyo: ang sinumang hindi kumikilala sa paghahari ng Diyos, tulad sa pagkilala ng isang maliit na bata, ay hinding-hindi paghaharian ng Diyos."  Kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at binasbasan sila.- Marcos 10:13-16 (ABMBB)




Kadalasan, kapag may isang bata na makulit, ay hindi natin maiwasang maasar o mainis sa kanila. Hindi mo minsan mawari kung ano ang gusto at bakit siya mahilig mangulit. Minsan, ay may sakristan akong nakilala na sobrang kinaiinisan, hindi lamang ng kanyang mga kasama, kundi, maging ng aming mga pari at mga nakakatanda sa simbahan. Minsan, ay nasasabi nila sa akin na sobrang kulit niya, sa misa, ang ingay-ingay, sa mga kapwa sakristan, sobrang kulit, lahat, kinaasaran siya. Nung nagsimulang magturo ako sa kanila, ay napansin ko na lagi siyang sumasama sa akin, kahit saan man ako magpunta, ay hindi siya umaalis sa tabi ko. Kapag dumarating ako sa simbahan, ay siya ang unang sumasalubong sa akin, siya agad ang nakakakwentuhan ko. Marami siyang ikinukuwento sa akin. Minsan pa nga, ay ipinapakita niya sa akin ang kanyang mga matataas na marka sa kanyang mga projects at exams. Tuwang-tuwa siya nung masai ko na, "Wow! Ang galing naman! Talino mo pala at magaling mag-drawing! Galingan mo, balang araw, ay magiging magaling kang artist!" Pagkatapos kong masabi ito, ay napaiyak siya. Nagtaka ako kung bakit at itinanong ko sa kanya kung bakit siya umiyak. Nasabi niya na, "Salamat kuya! Kasi, sa wakas, may nakapansin sa talino at kakayahan ko. Kasi walang pumapansin sa akin,  hindi nila nakikita ang magandang katangian na meron ako. Yung kakulitan ko lang ang nakikita nila." Napaiyak ako sa kanyang ibinahagi. Nalulungkot ako sa katulad niya. Kung minsan, ay puro mga hindi maganda ang nakikita natin sa ating kapwa, sa halip na tingnan natin ang mabubuting bagay sa kanila. Kung kaya, ay hirap tayong makita ang mabuting bagay na pwede nating makita sa kanila.

Mababasa natin sa ating Mabuting Balita ngayong araw na ito na may mg taong nais lumapit kay Jesus upang ipatong ang kanyang kamay sa mga ito. Ngunit, pinagalitan sila ng kanyang mga alagad.  Palibhasa bata, ay makulit, at baka maabala pa nila ang Panginoon. Ngunit pinagsabihan sila ni Jesus na huwag nilang kagalitan sila, sapagkat ang mga bata ay kabilang din sa kaharian ng Diyos. Sapagkat noong panahon ni Jesus, ang mga babae at bata ay hindi ganoon kataas sa paningin ng lipunan. Ngunit, ipinakita ni Jesus ang kanyang pagiging magiliw sa kanila, sapagkat ang Diyos ay hindi lamang sa partikular na grupo lamang, kundi ay para siya sa lahat na patuloy na naghahanap sa kanya. At kung paanong ang lahat ay tinatanggap ng Diyos, nararapat lamang na matuto tayong tumanggap  sa lahat, at walang pagtatangi. Dahil, kung hindi tayo marunong tumanggap sa tulad nila, ay hindi rin tayo tatanggapin ng Diyos sa kanyang pilin. Dahil kung anuman ang ginawa mo sa iyong kapwa, ay siya rin ang gagawin sa iyo ng ating Panginoon.

Nawa'y matuto tayong maging magiliw sa lahat ng tao, hindi lamang sa iilan. Sapagkat ang pag-ibig at pagiging magiliw sa atin ng Diyos ay walang pagtatangi, ang lahat ay minamahal niya, anuman ang ating pinagdaanan at katayuan sa buhay.


Thursday, February 24, 2011

Manatiling Tapat! (Biyernes, sa Ika-7 Linggo Sa Karaniwang Panahon, Taon I)

Pag-alis doon, si Jesus ay nagpunta sa lupain ng Judea at tumawid sa ibayo ng Ilog Jordan. Muling dumagsa ang maraming tao at tulad ng dati, sila'y kanyang tinuruan. May ilang Pariseong gustong subukin si Jesus; kaya't lumapit sila at nagtanong, "Naaayon po ba sa Kautusan na palayasin at hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?" Sumagot siya, "Ano ba ang utos ni Moises sa inyo?
Sumagot naman sila, "Ipinahintulot po ni Moises na ang lalaki ay gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay bago niya palayasin at hiwalayan ang kanyang asawa." Ngunit sinabi ni Jesus, "Ginawa
ni Moises ang utos na iyon dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit simula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, nilalang na niya ang tao na lalaki at babae. 'Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa at ang dalawa'y magiging isa.' Hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman."  Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Jesus tungkol sa bagay na ito. Sinabi niya sa kanila, "Kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang pangangalunya sa kanyang asawa.Gayon din naman, ang babaing magpalayas ng kanyang asawa at mag-asawa ng iba,  siya ay nagkakasala at humiwalay sa
 kanyang asawa, at mag-asawa ng iba ay nagkakasala rin ng pangangalunya." - Marcos 10:1-12 (ABMBB)

Ang pagiging tapat sa iyong asawa, pamilya, anak, kaibigan at sa Diyos ay isang katangian na dapat makita sa bawat isa, upang mas lalo pang maging mainit at magtagal ang pagsasasamahan ng bawat isa. Sapagkat ang pagiging tapat ay ang pagpapakita ng pananatili sa iyong pangako na siya lamang ang mamahalin mo at hindi mo hahayaang masaktan o masira ang inyong relasyon. Kapag nasira o hindi naging maingat sa katapatan sa pangakong iyong binitiwan o ang mga bagay na inaasahan sa iyo, ay nagkakaroon ng lamat sa pagsasama, hanggang sa mauwi lamang ito sa paghihiwalay o pagkakasira ng bawat isa. Ang pagiging tapat din sa isang tao o sa iyong minamahal ay ang pakikisama mo sa isang tao, anuman ang katangiang kanyang tinataglay. Sabi nga ng Philosophy professor ko, "Kapag ika'y mag-aasawa, hindi ka lang magiging tapat sa iyong asawa sa panahong kayo'y masaya, at kung ano lamang ang magustuhan mo sa kanya. Kundi, maging tapat ka rin sa kanya, sa panahon ng pagsubok, sa panahong magkagalit kayo, sa panahong mainit ang ulo ng isa, at sa panahong may hindi kayo pinagkakasunduan. sapagkat sa panahon ng pagsubok at di pagkakasundo, ay dito mo makikita kung gaano kalalim ang pagmamahal mo sa iyong asawa, na siyang lalo pang magpapatibay sa iyong asawa. Gayon din sa iyong kaibigan, kung talagang tunay kang kaibigan, hindi lamang sa panahon ng kasiyahan, maging sa panahon ng kanyang kasawian, dahil dito mo makikita ang mga tunay na taong nagpapahalaga sa iyo, na siyang magpapatibay sa niyong pagkakaibigan."

Mababasa natin sa ating Ebanghelyo sa araw na ito ang mga Pariseo ay nagtanong sa ating Panginoon kung nararapat na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa. At naitanong niya sa kanila kung ano ba ang nasusulat sa batas. Nasabi nila na ayon sa batas ni Moises, ay nararapat ito kapag nakagawa ng kasulatan ang lalaki, bago hiwalayan ang babae. Ngunit, sinalungat ito ni Jesus. Binanggit niya ang pasimulang aklat sa Genesis na mula pa nung simula, ay nilikha na ng Diyos ang lalaki at babae, at dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at sila'y magiging isa. Dahil sa kanilang katigasan ng ulo, ay kaya pinayagan ang diborsyo. Dahil sa kapag ang lalaki ay may nakitang hindi maganda sa babae, ay hiwalay agad. Idinidiin ni jesus ang kahalagahan at kasagraduhan ng kasal. Ang pag-aasawa ay ang pagsasama ng lalaki at babae, hindi dahil sa gusto lang nila, o gusto nila ang ilang bahagi ng katangian nila, kundi ay ang buung-buong pangtanggap na pagmamahal sa bawat isa, anuman ang kanilang ugali at katangian, dahil sila'y instrumento ng Diyos upang magpatuloy ang salinlahi ng tao. Ito ay hindi lamang sa mag-asawa, kundi sa ating lahat na nagmamahal sa ating kapwa, at sa Diyos. Hindi lang dahil sa may ayaw tayo sa kanila, ay ayawan na agad. Kundi ang pagiging tapat sa isa't isa na maging mabuti, maingatan ang pagsasamahan at tanggapin ang kahinaan ng bawat isa, kagaya ng ipinapakitang pagtanggap sa atin ng ating Panginoon ng buung-buo.
Nawa'y palaging maging tapat tayo sa ating pagsasama sa ating kabiyak, pamilya, anak, kaibigan at sa Diyos. Dahil ito'y sukatan ng ating lalim ng pagmamahal sa bawat isa, at buung-buong pagtanggap natin sa kanila, na siyang pagtanggap na ipinakikita sa atin ng ating Panginoon sa bawat araw.

Wednesday, February 23, 2011

Putulin ang Ugat! (Huwebes, sa Ika-7 Linggo Sa Karaniwang Panahon, Taon I)

 Tandaan ninyo: ang sinumang magbigay sa inyo ng isang basong tubig dahil sa kayo'y tagasunod ko ay tiyak na tatanggap ng gantimpala." "Mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at itapon sa dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananalig sa akin. Kung ang kamay mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang kamay, kaysa may dalawang kamay na mapunta ka sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. Kung ang paa mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang paa, kaysa may dalawang paa na mapunta ka sa impiyerno. At kung ang isang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito! Mabuti pang pumasok ka sa kaharian ng Diyos na kulang ng isang mata, kaysa may dalawang matang itapon ka sa impiyerno. Doo'y hindi namamatay ang mga uod at ang apoy. "Sapagkat ang bawat isa'y dadalisayin sa apoy. Mabuti ang asin, ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Maging kagaya kayo ng asin, at mamuhay kayong mapayapa sa isa't isa." - Marcos 9:41-50 (ABMBB)



"Ang hirap namang magbago!"Ito ang nasabi sa akin ng isang kaibigan kong mahilig uminom. Dahil sa kanyang pagiging sugapa sa alak, at hindi kumpleto ang araw niya nang hindi siya nakakainom ng alak, ay dumating sa punto na nasira na niya ang pag-aaral niya at maging ang kanyang relasyon sa kanyang pamilya. Alam niyang mali ang paglalasing, ngunit sa mga panahong niyayaya siya ng kanyang mga barkada sa inuman, ay hindi niya maiwasang tumaggi. Pabiro pa niyang nasabi sa akin na, "Sa twing ako'y nakakakita ng alak, ay parang tinatawag ako at inaakit na uminom, parang nagmamakaawa na uminom ako, kahit isang lagok lang." "Pabiro ko rin namang sinabi na, "Isa lang ang paraan niyan,  huwag mong pakinggan at lapitan, at titigil yang pang-aakit niyan sa iyo. Kung makita mo, lingon agad, huwag mong tingnan." Natawa siya rito, pero nabatid niyang may laman ang birong nasabi ko. Para maiwasan natin ang kasalanan, ay dapat putulin muna natin ang ugat ng pagkaksala, upang magkarron ng tunay na pagbabago sa ating sarili at makalaya tayo sa kasalanang umaalipin sa atin. 

Mababasa natin sa aing Mabuting balita sa araw na ito ang pagtuturo ni Jesus sa kanyangmga alagad tungkol sa mga sanhi ng pagkakasala at kung paano natin ito maiiwasan. Nasabi niya na mabuti pa sa isang tao na mamatay, kung siya ay nagiging sanhi ng pagkakasala. Hindi literal na pahayag ito ng ating Panginoon na talagang mamatay dapat ang taong naging sanhi ng pagkakasala, kundi mabuti pa sa taong ito na huwag gumawa ng anumang hakbang na ikatitisod ng kanyang kapwa. Dahil parang pinatay na rin niya ang kapwang nasadlak sa kasalanan dahil sa kapahamakang idudulot nito, hindi lang pagkatawan, kundi pati pangkaluluwa. Upang hindi magkasala ang sinuman, ay sinabi niya na kung ang iyong paa, kamay at mata ay dukitin, putulin at itapon. Hindi rin literal ito na dapat gawin, kundi alisin ang mga bagay na nagiging sanhi ng pagkakasala. Bakit ginamit niyang halimbawa ang kamay, paa at mata? Sapagkat ang kamay ay ginagamit upang gumawa ng anumang bagay na naisin natin, mabuti man ito at masama, ang paa, sapagkat ito ay ginagamit nating panlakad kung saan natin ibig pumunta, mabuti man o masama ang ating pupuntahan. Ang mata, ay ginagamit natin upang makita natin ang mga magagandang bagay sa ating paligid na siyang nagpapakit sa ating paningin. Binibigyang diin ni Jesus na alisin natin ang mga bagay na nagdudulot ng kasamaan sa ating kapwa. Sa halip na kabutihan ang idulot, ay kasalanan ang pinapairal, na siyang nagtutulak sa kapwa na maging masama at mapahamak. At tukuyin ang ugat nito na siyang nagtutulak sa atin at sa ating kapwa na gumawa ng mail.

Nawa'y mapagnilayan natin sa ating sarili ang mga bagay na nagiging ugat ng ating pagkakasala na siyang nagdudulot ng kapahamakan sa iba. Sapagkat ang paggawa ng masama at pagbubuyo nito sa ating kapwa ay inilalagay na natin ang ating sarili hindi lamang sa kapahamakan dito sa lipa, kundi sa mas lalo pang matinding kapahamakan, ang kapahamakan ng ating mga kaluluwa.

Lassoed by the Holy Rosary

The Holy Rosary is one of the favorite and popular devotions in the Roman Catholic Church. It gives victory to the Church in times of crisis especially in dispelling heresies during the middle ages, and triumph against the Mohammedans when Rome was threatened during the reign of Pope St. Pius V. This devotion is also a powerful armor against the devil by instilling in our minds on what our savior did to us, and through the help of his mother to keep us closer in His heart. This prayer is also very powerful in times of need and necessities. This powerful devotion also helps us to meditate on its mysteries of our Salvation through the help of his mother who points s to his son to do whatever he tells us. (John 2: 5), through her example of accepting the Word made flesh in her life, and sharing the good news of salvation to others, in visitation, and to ponder and keeping everything that happen to her and her son in  her heart. This devotion really serves as my strong connection between my God through some of my experiences in the powers of my rosary.

 This rosary that I am holding in this picture is one of the gift I received from my officemate before in my first job. She gave me a Benedictine rosary from Italy. Whenever I gazed upon this powerful prayer, tears began to run in my eyes as it brings back some of the memories I had when some of my family members shared some of my childhood memories about it, some favors and graces I received, and the maternal love of the blessed mother that it really transforms me to be a better and a strong Catholic. Whenever I recall these experiences, it  realy feel me blessed and guided my our mother who really brings us close to her son and embracing us in times of comfort, just as a mother comforts her child.

I recall when my mother used to tell me, that when I was in her womb, she used to pray a lot, and always keeping a rosary in her pocket. Wherever she goes, even though she is just lying in bed, she used to hold it and never let it loose in her hand. She used to pray a lot on that time and among our siblings, I was the only one who really draws her more to be more religious and prayerful on that time. It helps her more to understand her faith and having a peace of mind in times of difficulty. My aunt used to tell me when I was an infant on that time, when my grandmother put two objects on which I am going to choose, whether it is a Php. 10.00 bill or a rosary. If I choose the paper bill, I will be a businessman, if I picked the rosary, I would be a priest. I picked up the rosary and she exclaimed, "Ay! Magpapari iyan!" (AY! She will be become a priest!) Although it is funny story, but I realized that there is something that God stored for me even before I was born. Like Prophet Jeremiah who was consecrated in her mother's womb.
This devotion that has been taught by my grandparents, became my habit during my elementary days. I used to bring the rosary in school, and I feel uncomfortable if I do not have a rosary in my pocket. My teacher was used to call me to lead the recitation of the rosary everyday, because I was the only one who has a rosary  among the students and know how to recite it. Because of that habit, I won the affection of my teachers, which some of my classmates began feel a little bit jealous on me. Aside getting their affection, I got the highest grade in religion, because I got the perfect score in quizzes and exams when it comes to writing the formula prayers, especially the prayers in the rosary. This prayer is also my companion. During lunch break, I used to pray the rosary together with my other classmates in adoration chapel. I really feel peace and calmness whenever I pray. I also feel that there is an unseen arms that taps my shoulder and embraces me as I sit down and pray.
When I was High School, this rosary  serves as my strength in times of trouble and difficulty. It really slowly forms my vocation to be a priest. Because of this prayer, it really slowly understand my faith and my vocation on that time becomes stronger. This prayer also draws me to serve as an altar boy for five years. When I entered in college, the rosary became my companion and my strength in times of trials. I remembered that I almost did not able to graduate from college, due to financial problem in payment of my graduation fees. My mom and I prayed the rosary and asking our Lady to send someone who could lend us some money in order to pay my graduation expenses. After we pray, one of our neighbor knocked on our door and informed us that there is someone who could lend us some money, to help us in our problem. We were filled with joy on that time and we thanked God and Mama Mary for this blessing. I also remember that when I headed home after my class, I was short in my budget for the fare. I was confused on that time how can I reached home. On the way to Sta. Rosa, Laguna, I prayed the rosary and asked for help. As I reached waltermart Sta Rosa at 11:00 PM, I waited at the tricycle and thinking that I will wake up my mom to pay the tricycle driver as I reached home. A woman approached me and told me, "Sabay ka na sa akin pauwi." (Join me as I headed home). I was blessed on that very moment. As it seems I am going to pay, the woman told me that she will be the one who pay the are. As I entered in my room. I knelt down at my altar and thanked Our Lady for this favor I asked. When my grandparents died, darkness began to enveloped me. They are the one who taught me to pray and lived on my faith as a Catholic like them. Most of the reactions of the sympathizers during the wake, that they died peacefully. My grandfather died on the stroke on October 19, 2004, while my grandmother died two months afterward on January 5, 2005 on a cardiac arrest. I recall one of the promises of the Blessed Mother to St.Dominic that those who faithfully will not die a bad death (#6). Truly the Blessed Mother, granted the grace of a holy death to them.  

After college, I entered in the Order of Servants of Mary (OSM) on the Solemnity of Pentecost, May 15, 2005. Because I was young on that time, my superiors decided that I should leave. Although I had a vocation, but it is not a proper time for me to undergo formation. I need to expose more outside. They told me that they expected that I would not reached the rite of acceptance in pre-novitiate, but it seems that God's ways is working within me, I was able to reached my pre-novitiate. I left the seminary on November 16, 2005. I was lost, devastated, and confused. I began to complain God why he let this happen to me. As I went out, I met some of the Iglesia Ni Cristo brethren, who consoled me and taught me their doctrines. As I get along with them, I began to be an anti-catholic and criticizing the Catholic Faith. I began to neglect and even reject the rosary and spent my time in spontaneous prayers due to the teachings I learned from them. But because I still believed in the divinity of Christ and I reject the exclusivity of salvation, thankfully, I was not baptized. Longing and confusion still darkens my life on that time.
 Sparks of hope began in my life on May 2006. When there is a strong urge within me to pray at our chapel. I only brought is my rosary. Neither my cellphone, wallet, my Bible, and even a bag, but only a rosary. There was a mayflower activity on that time. It seems that there is a lasso that pulls me to kneel in the pew and pray. Tears began to run in my eyes. I could not explain why I am crying. I just realized that as I finished my rosary. One of the youth members in our chapel approached me. She was happy to see me and invited me to join in LCM (Lectors and Commentators Ministry). She called Bro. Jimmy Estera, the president on that time, and he encourages me to attend the seminar, trainings and meetings. I accepted their offer. Although there is still a struggle in my faith, God is really shedding His light in my dark moments, although I missed sometimes in reciting the rosary, God still blessed me with a lot of opportunities and aiding my needs. The rosary that I rejected before became a lasso that pulls me back to Christ and His true Church..the Catholic Church. Truly, Mama Mary lead me to her son, and she really comfort me in times of darkness and sorrow. Just as a mother comforts her son and carries him in her lap, so the Mother of God comforts me and carries me in her arms and it feels me secure and safe.
Today, the rosary is my daily habit until right now. This is my prayer before I read at the mass, especially the mystery of annunciation, where Mama Mary humbly accepts and obey the word incarnate in  her life. It is a must for a lector like me to accept His word with humility and obedience, so that Jesus will be seen in my words and actions. As I contemplated my life, I could say that my life is full of mysteries, like the mysteries of the Rosary. In this world, we experience joy and surprises. But as we go along our way, we encountered sorrows that it inflict pains in our lives, but as we endure it, we look forward to the glory that awaits us in heaven, where there is no more pain and suffering, death and sorrow. But for now, as we journey in this world, we need a light that guides us in order to reach this glory that awaits us. It is like a water that I cannot live without. I feel thirst whenever I missed praying my daily rosary. This devotion is also my source of strength in times of difficulty by meditating on the mysteries of the Son of God who became flesh and dwelt among us. Truly, the rosary is a lassoed that it draws us closer to Christ through His mother who comforts us and guides us to her son and His true family he established, which is His Church.