Nang siya'y paalis na, may isang lalaking patakbong lumapit kay Jesus, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, "Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?" Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos ng Diyos, 'Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; huwag kang mandaraya; igalang mo ang iyong ama at ina.' " Sumagot ang lalaki, "Guro, mula pa po sa aking pagkabata ay tinutupad ko na ang mga iyan." Magiliw siyang tiningnan ni Jesus at sinabi, "May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin." Nang marinig ito ng lalaki, siya'y nanlumo at malungkot na umalis sapagkat siya'y lubhang napakayaman. Pinagmasdan ni Jesus ang mga nasa paligid niya at sinabi sa mga alagad, "Tunay ngang napakahirap para sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos!" Nagtaka ang mga alagad sa sinabi niyang ito. Ngunit muling sinabi ni Jesus, "Mga anak, talagang napakahirap b makapasok sa kaharian ng Diyos! Mas madali pang dumaan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa isang mayaman na mapabilang sa kaharian ng Diyos." Lalong nagtaka ang mga alagad, kaya't nagtanong sila, "Kung gayon, sino pa kaya ang maliligtas?" Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos." - Marcos 10: 17:27 (ABMBB)
Nakakaaliw makinig ng Salita ng Diyos. Sabi nga sa sulat sa mga Hebreo, ang Salita ng Diyos ay mas matalas pa sa alinmang tabak na magkabila'y talim. Tumatagos sa katawan, kaluluwa at espiritu, at nasisiwalat ang lahat ng pag-iisip ng tao (Heb. 4:12). Kapag maganda ang mensahe at katanggap-tanggap sa pandinig, ay natutuwa tayo at masigasig tayong magbahagi, ngunit, kapag medyo hindi na maganda sa ating pandinig, ay kumukunot na ang ating noo, ngumingiwi, napapailing, at tumitigil na sa pakikinig. Dahil sa tinatamaan sila ng Salita na kanilang napapakikingan. Kapag hindi na ito umaayon sa kanlang kagustuhan, ay kanilang tinatalikuran nila ito at hindi na nakikinig sa Salita ng Diyos. Kung kaya, marami sa mga Kristiyano ang masiglang naglilingkod nga, laging present sa lahat ng activities, sobrang loyal sa mga gawain, kahit wala nang panahon sa pamilya, ay hindi nababago ang kanilang buhay. Walang pagbabago sa kanilang buhay, dahil ayaw nilang hayaan ang Salita ng Diyos na baguhin sila nang unti-unti, dahil ayaw nilang isuko o talikuran ang mga bagay na hinihingi sa atin ng ating Panginoon.
Matutunghayan natin sa ating Ebanghelyo gayon ang isang mayamang lalaki na lumapit kay Jesus na nagnanais sumunod sa kanya. Tinanong ng binata sa ating Panginoon kung ano ang dapat niyang gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan. Nasabi ni Jesus na sumunod sa mga utos ng Diyos, tulad ng utos ni Moises. Nasabi ng binata na mula pa sa pagkabata ay sinusunod na niya ito. Dahil dito, ay hinamon siya ni Jesus na ipagbili niya ang lahat ng kanyang pag-aari, pagkatapos ay sumunod sa kanya. Dahil dito, ay nalungkot ang lalaki at umalis. Pagkaalis ng lalaki, ay itinuro ni Jesus sa laht ng tao at sa kanyang mga alagad na mahirap pumasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos, dahil sa hindi nila mabitiwan ang mga bagay na kanilang tinatankilik. Inihalimbawa ni Jesus ang kamelyo sa lalaking mayaman. Sapagkat ang mga mga hayop noon ay ikinukulong sa sabsaban na kalimitan ay sa mga yungib o kweba. Kahit malit at masikip ang butas, nay nakakapasok ang kamelyo at nakakasumpong ng kapahingahan doon. Dahil dito, ay tinanong siya ng kanyang mga alagad na sino ang maliligtas, dahil sa hirap ng hamong kanyang ipinahayag sa kanila. Ngunit, sinabi ni Jesus na sa paningin ng tao, ay mahirap sundin ito, ngunit, sa Diyos, ay madali lang. Nais niyang ipabatid na kung gagawin lang natin ito sa ating sarili, ay hindi natin makakaya ito, dahil sa hirap isuko ang mga bagay na nakasanayan natin at nakagawian, ngunit, kung hihingin natin ang kanyang tulong at biyaya, ay makakaya natin ito, sapagkat siya ang mangangalaga at magpapalakas sa atin sa bawat hamong haharapin natin sa pagsunod sa kanya. Hindi sinabi ni Jesus dito na ang mga mayayaman ay hindi na makakapasok sa kaharian ng langit. Hindi bawal magsikap at maging mariwasa. kundi, ay sa ating pagsunod sa kanya, ay hindi dapat tayo maging mapili o mapagtangi sa kung ano lang ang gusto natin, sapagkat ang tunay na pagsunod at pagiging alagad, ay buung-buong pagsunod at handang maging katulad ng Panginoon na sinusundan niya, na mula sa pagiging Diyos ay nagkatawang tao at nanirahan sa piling natin, upang makita sa atin ang larawan ng Diyos na patuloy na nangangalaga at nagtataguyod sa ating kapakanan.
Nawa'y maging hamon sa atin ang Mabung Balita ngayon ang tunay na pagsunod sa kalooban ng Diyos na walang itinatangi, at hingin natin sa kanya ang biyaya at lakas sa bawat hamong kailangan nating harapin. Upang makita sa atin ang tunay na pagiging alagad na nakikita ang pagkilos ng Diyos sa bawat araw na tayo'y naglilingkod sa kanya.
No comments:
Post a Comment