"At tinuruan ni Jesus ang mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga. Sinabi niya, "May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Pinabakuran niya ang ubasan, nagpagawa ng pisaan ng ubas at nagpatayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, pinaupahan niya ang ubasan sa mga katiwala at siya'y nagpunta sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan ng ubas, pinapunta niya ang isang alipin upang kunin sa mga katiwala ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga katiwala ang utusan, binugbog at saka pinauwing walang dala. Muling nagsugo ang may-ari ng isa pang alipin, ngunit ito ay hinampas sa ulo at nilait-lait ng mga katiwala. Nagsugo na naman ang may-ari ng isa pang alipin ngunit pinatay naman nila ito. Ganoon din ang ginawa nila sa marami pang iba, may binugbog at may pinatay. Hindi nagtagal, iisa na lang ang natitirang maaaring papuntahin ng may-ari, ang kanyang minamahal na anak. Kaya't pinapunta niya ito sa pag-aakalang, 'Igagalang nila ang aking anak.' Ngunit nag-usap-usap ang mga katiwala, 'Ang taong iyan ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya upang ganap nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.' Kaya't sinunggaban nila at pinatay ito, at pagkatapos ay itinapon ang kanyang bangkay sa labas ng ubasan. "Ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Pupuntahan niya at papatayin ang mga katiwalang iyon, at ang ubasan ay ipapamahala niya sa iba. Hindi ba't nabasa na ninyo ang sinasabi sa kasulatan, 'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong-panulukan. Ito'y ginawa ng Panginoon, at kahanga-hangang pagmasdan?'" Nang mahalata ng mga pinuno ng mga Judio na sila ang pinapatamaan ng talinhagang iyon, tinangka nilang dakpin si Jesus. Subalit hindi nila ito magawa sapagkat natatakot sila sa mga tao. Kaya't umalis na lamang sila at iniwan si Jesus." - Marcos 12:11-12 (ABMBB)
Mahirap at masakit sa isang tao ang siya ay itakwil ng mga taong kanyang sinasamahan, sariling kababayan at kapamilya. Sapagkat ang rejection o ang pagtatakwil ay pagpapakita ng ating paglayo, pag-iwas sa mga taong inaayawan natin o hindi nagugustuhan. Malaki ang pwedeng maging epekto nito sa kanya. Pwedeng manghina ang kanyang kumpiyansa sa sarili, dahil sa ang ipinapakita sa kanya ng mga taong nakapaligid sa kanya ay kawalang silbi sa lipunan. Maari ring hindi nila makita ang mga bagay na maganda o mabuti katangian na mayroon sila o maari nilang gawin pa para makita nila ang kagandahan at kasarapan ng buhay dito sa mundo. Kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng rejection sa kanyang pamayanan pamilya at kaibigan, ito ay nagdudulot ng depression, pagkabalisa, at kapag hindi ito naagapan agad, ay pwedeng humantong ito sa pagpapakamatay, dahil wala nang pagmamahal at pagmamalasakit na nararamdaman sa kanilang paligid.
Subalit, iba ang naging pagpapamalas sa atin ng Panginoon sa ating Ebanghelyo sa araw na ito. Nagsalaysay siya tungkol sa isang ubasan na pinaupahan ng isang tao sa mga kinuha niyang katiwala. Ngunit nang mag-anihan, ay sinugo nila ang kanyang mga utusan upang kunin ang kanyang bahagi sa ani, subalit, ay sinaktan at nilait ng mga katiwala ang mga utusan. Muli siyang nagpadala ng mga utusan, ngunit, pinatay naman ang sumunod. Dahil dito, ay sinugo niya ang kanyang kaisa-isang anak, sa pag-aakalang igagalang nila siya, ngunit, sa kasamaang palad, ay sinaktan at pinatay ang anak ng may-ari ng ubasan. Dahil dito, ay nagpasya na ang may-ari na patayin ang mga katiwala at ipamahala sa iba ang ubasan. Ipinapakita rito ni Jesus ang pagliligtas ng Diyos sa kanyang bayan. Ang mga katiwala ay ang mga Judio na nagpapasasa sa buahy na ito. Upang maligtas sila, ay nagsugo ang Diyos ng mga Propeta, na kumakatawan sa mga utusan, na siyang pinatay at sinaktan ng mga Judio, dahil sa hindi nila nagugustuha ang mensahe ng mga propeta sa kanila. Ang anak ay ang ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa halip na igalang ay hinamak, sinaktan at pinatay. At dahil dito, ay sa galit ng Diyos, ay itinalaga na sa kapahamakan ang mga lumapastangan sa kanyang sugo at anak, at ibinigay niya ang bahagi ng pangako sa mga Judio sa mga Hentil na katulad natin. Ipinapakita niya rito na kahit itinakwil siya ng mga tao, ay hindi pa rin siya nasiraan ng loob, bagkus, ay ibinahagi rin niya sa iba ang alok niyang kaligtasan sa mga Judio. Nang dahil sa pagtatakwil sa kanya, ay naging biyaya ito sa atin upang makabahagi sa pangako ng Diyos na kaligtasan na ninanais niya sa lahat ng kanyang nilikha.
Nawa'y tularan natin ang ating Panginoon na naging matatag sa panahon ng pagtatakwil sa atin g ating kapwa, at huwag masiraan ng loob. Sapagkat sa pamamagitan nito, ay nagiging bukas din tayo sa ibang tao at mas nabibigyan rin natin ng pagkakataon na maibahagi ang ating sarili sa iba upang maging maganda at mabunga ang isang samahan o pamayanan na ating sinasamahan.

No comments:
Post a Comment