"Ilang Pariseo at ilan sa mga tagasunod ni Herodes ang pinapunta kay Jesus upang siluin siya sa kanyang pananalita. Kaya lumapit sila sa kanya at sinabi, "Guro, nalalaman po naming kayo'y tapat at walang kinikilingan. Pantay-pantay ang pagtingin ninyo sa lahat ng tao at itinuturo ninyo ang tunay na kalooban ng Diyos para sa tao. Nais po naming itanong kung labag ba sa ating Kautusan ang magbayad ng buwis sa Emperador. Dapat po ba kaming magbayad ng buwis o hindi?" Alam ni Jesus na sila'y nagkukunwari lamang, kaya sinabi niya sa kanila, "Bakit ba ninyo ako sinusubok? Bigyan ninyo ako ng isang salaping pilak." At siya nga ay binigyan nila ng salaping pilak. "Kaninong larawan at pangalan ang nakatatak dito?" tanong ni Jesus sa kanila. "Sa Emperador po," tugon nila. Sinabi ni Jesus, "Ibigay ninyo sa Emperador ang para sa Emperador, at sa Diyos ang para sa Diyos." At sila'y labis na namangha sa kanyang sagot." - Marcos 12:13-17 (ABMBB)
Ang isa sa magandang katangian nating mga katoliko na hindi makikita sa ibang sekta ay ang pagsisiwalat at pakikilahok sa mga usapin sa ating bayan, lalo na sa usaping pangmoral ng bawat pilipino. Minsan pa nga, ay nababahiran ito ng kontrobersya, dahil sa sobra nitong pakikialam sa lahat ng anumang isyu na kinakaharap ng bawat bayan. Ito ay isang pagpapakita lamang ng pagmamalasakit nito at pagiging tapat nito sa lahat ng mananapalatayang Kristiyano na ituwid ang anumang pamantayan o kaugalian na maaring makasira sa dangal hindi lamang ng kasapi nito, kundi ng bawat tao.
Ang isa sa halimbawa nito ay ang kontrebersyal na RH Bill. Nais isulong ito ng ilang mambabatas upang masugpo ang patuloy na paglobo ng populasyon na siyang sanhi diumano ng kahirapan ng tao, dahil na rin sa kakulangan ng pinagkukunang yaman ng ating bansa. Ang isa sa paraan nito ay ang pagtuturo at pamimigay ng mga contraceptives sa mga tao upang maiwasan ang pagbubuntis ng isang babae at mapigilan ang pagkalat ng HIV at AIDS. Hindi lang iyon, maging sa mga bata ay ituturo ang amang paggamit nito at ang seksuwalidad, upang maiwasan ang maagang pagbubuntis. Mariing tinututulan ng simbahan ang ganitong panukala ng gobyerno.Dahil sa totoo lang, ay hindi siguradong epektibo nito, dahil napatunayan na ito ng ilang nagsuri sa mga contraceptives na ito. Hindi ang nakakaapekto sa kalusugan ng isang tao, maging sa dangal ng bawat isa, dahil ang lahat ng tao ay nilalang ng Diyos na may dangal, dapat igalang at mahalin, hindi isang laruan o basahan na pwede nating gamitin kung gusto natin. Kapag pinagsawaan na, ay iniiwan o pinababayaan na ang. Malaki ang epekto nito sa pag-iisip ng isang tao. At dahil kailangang ituro sa bata ang sekswalidad, ay maagang mamumulat ang musmos tungkol sa isyu ng sekswalidad, at maaring subukan nila ito ng maaga, dahil sa pagtuturo ng paggamit nito. Dahil sa mainit na pagtatalo nito, ay hindi maipasa-pasa ang batas na ito, at tanging simbahang katoliko lang ang gumagawa nito, na siyang nangunguna sa pagtatanggol sa buhay. Ipinapakita ng simbahan ang kanyang katapatan sa pagtatanggol sa aral ng Diyos na pangalagaan ang buhay at mral ng bawat isa.
Matutunghayan natin sa ating Mabuting Balita sa araw na ito na nagtanong ang mga pariseo't eskriba sa kanya kung nararapat bang magbayad ng buwis sa Caesar (Emperador ng Roma) ang lahat ng tao. Nais nilang ipitin si Jesus at siluin siya. Dahil kung oo ang sagot niya, ay magiging kaaway niya ang kanyang kababayan, dahil ang Roma ang siyang umaalipin sa kanilang bayan. Kung hindi, lalabas na kaaway siya ng Roma, dahil sa hindi siya sumusunod sa namamahala ng kanilang bansa. Kung kaya, naitanong po niya kung kaninong larawan ang nakaukit sa barya. Nasabi nila na si Caesar ang nakaukit doon. Nasabi niya na ibigay ang kay Caesar ang sa kanya, at ang sa Diyos ay ibigay sa Diyos. Nais ipunto ni Jesus ang pagiging tapat natin sa ating sagutin sa Diyos at sa bayan, sapagkat lahat tayo ay may pananagutan sa bawat isa, sabi nga ni San Pablo, walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, wala ring namamatay para sa sarili lamang, lahat tayo ay para sa Diyos (Roma 14:7-8). Lahat tayo ay may pananagutan sa isa't isa. Ang anuman ang ating ginagawa sa iba, ay siyang nagdudulot ito ng epekto sa lahat ng tao, mabuti man ito o masama.
Nawa'y sikapin nating tuparin ang lahat ng ating pananagutan sa ating Diyos at kapwa, at makita ang katapatan natin sa pagtupad nito. Sapagkat, sa pamamagitan nito, ay naipapakita natin ang pagiging tapat sa Diyos sa pamamagitan ng pagiging tapat sa sagutin natin sa ating kapwa.

No comments:
Post a Comment