Monday, February 28, 2011

Galak, Hapis At Tagumpay! (Martes sa Ika-8 Linggo Sa Karaniwang Panahon, Taon I)

At nagsalita si Pedro, "Tingnan po ninyo, iniwan na namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo." Sumagot si Jesus, "Tandaan ninyo: ang sinumang nag-iwan ng kanyang tahanan, o mga kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang Balita, ay tatanggap sa buhay na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating, magtatamo siya ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na mahuhuli, at maraming nahuhuli ang mauuna." - Marcos 10:28-31 (ABMBB)


Noong dumalaw ang imahen ng Birhen ng La Naval de Manila sa Letran-Calamba, ay nasabi ng dati naming Rector na si Fr. Rolando dela Rosa, OP sa kanyang misa na ang rosaryo ay sumasalamin sa buhay ng bawat Kristiyano. Kung paano sa bawat butil ng Aba Ginoong Maria ay nasasalamin ang buhay na may tuwa at puno ng sorpresa, ay laging may krus na nakakabit dito, na sa buhay natin, ay hindi nain maiiwasang makaranas tayo ng pagsubok at kalungkutan, na siyang nagdudulot ng bagabag sa buhay natin. Ngunit, hindi lang sa krus nagtatapos ang lahat ng ito, kundi, mula sa krus, ay ipinakita ng ating Panginoon ang kanyang pagtatagumpay mula sa kamatayan. Ipinapakita niya sa atin na sa gitna ng unos na dumarating sa buhay natin, ay may bahaghari at araw na sisilay sa ating buhay. Kapag nalagpasan natin ang mga hamong ito, ay makakadama tayo ng kaligayahan at ibayong lakas, dahil sa tagumpay na ating natamo. At siyang nagiging liwanag din sa lahat upang magsilbing halimbawa tayo sa lahat ng tao. Habang pinagninilayan ko ito, ay napatingin ako sa aking rosaryo at naagnilayan ko ang mga sandaling ng tuwa, hapis at luwalhati sa buhay ko. Oo nga, tulad ng rosaryo, ay ganun din ang buhay ko. Minsan, may tuwa, minsan ay may kalungkutan, ngunit, dahil sa tulong at paggabay sa atin ng Diyos, ay nagiging magaan ang buhay natin, at nagiging matagumpay tayo sa lahat. At nagsisilbi tayong liwanag sa iba, dahil sa mabuting balita na ating isinasabuhay at nakikita ng lahat ng taong makakakita sa atin.
Ang Mabuting Balita natin sa araw na ito ay pagpapatuloy ng Mabuting Balita natin kahapon. Matapos umalis at magturo si Jesus, ay sinabi ni Pedro sa ating Panginoon na iniwan niya ang lahat at sumunod sa kanya. Iniwan niya ang kanyang pamilya, asawa, ari-arian at lahat ng kanyang tinatangkilik, masundan lamang niya si Jesus. Sinabi ng ating Panginoon sa kanya ang mga kundisyon ng pagiging alagad niya. Nasabi niya na kapag iniwan ng isang tao ang lahat ng kanyang pamilya, tinatangkilik, at kabuhayan para sa kanya, ay magtatamo siya ng gantimpala. Hindi nangangahulugang literal na iiwan ang lahat, at pababayaan mo ang iyong pamilya, trabaho o huwag ka nang magtrabaho at huwag ka nang mag-asam na maging maginhawa sa buhay. Kundi ang ninanais ng ating Panginoon ang laging maging una siya sa lahat ng ating gawain. Hindi rin nangangahulugang puro dasal at titigil na tayo sa ating gawain, kundi, ay laging isabuhay ang mabuting balita niya sa bawat araw ng ating buhay, siya ang laging sentro ng ating buhay. Ang pagsunod nating ito ay maghahatid sa atin ng tunay na kagalakan, dahil sa mga pangako niyang ibininigay sa atin.  Ngunit, ay ibinabala ng ating Panginoon, na habang sumusunod tayo sa kanya, ay maraming hamon at pagsubok na darating sa buhay natin. Ngunit sa kabila nito, ay may nakalaang pangako siya sa bawat susunod sa kanya. Ito ay ang buhay na walang hanggan. Nasabi rin niya na maraming nauuna na mahuhuli, at maraming nahuhuli ang mauuna. Ipinapakita niya sa atin na marami ang nagnanais na maging karapat-dapat sa kaharian ng Diyos, ngunit, hindi lahat ay makakarating, dahil sa ang tunay na karapat-dapat ayang mga taong tunay na sumusnod sa kanyang kalooban, ang hindi nagtatangi, namimili ng susunding utos, ang nagtitiis sa pagsubok, at laging tinatanaw ang pag-asa ilalaan sa bawat sumusunod sa kanya.

Nawa'y palagi tayong magalak, tiisin ang hapis, asamin ang pangako at tagumpay na ating natamo at makakamit sa hinaharap sa ating pagsunod sa kanya. Upang sa gayon, ay maging ilaw tayo sa buong sanlibutan, na maghahatid ng galak at pag-asa sa gitna ng hapis na kanilang pinagdadaanan.

Sunday, February 27, 2011

Sumunod ng Lubos! (Lunes, sa Ika-8 Linggo Sa Karaniwang Panahon Taon I)

Nang siya'y paalis na, may isang lalaking patakbong lumapit kay Jesus, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, "Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?"  Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos ng Diyos, 'Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; huwag kang mandaraya; igalang mo ang iyong ama at ina.' " Sumagot ang lalaki, "Guro, mula pa po sa aking pagkabata ay tinutupad ko na ang mga iyan." Magiliw siyang tiningnan ni Jesus at sinabi, "May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin." Nang marinig ito ng lalaki, siya'y nanlumo at malungkot na umalis sapagkat siya'y lubhang napakayaman. Pinagmasdan ni Jesus ang mga nasa paligid niya at sinabi sa mga alagad, "Tunay ngang napakahirap para sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos!" Nagtaka ang mga alagad sa sinabi niyang ito. Ngunit muling sinabi ni Jesus, "Mga anak, talagang napakahirap b makapasok sa kaharian ng Diyos! Mas madali pang dumaan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa isang mayaman na mapabilang sa kaharian ng Diyos." Lalong nagtaka ang mga alagad, kaya't nagtanong sila, "Kung gayon, sino pa kaya ang maliligtas?" Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos." - Marcos 10: 17:27 (ABMBB)


Nakakaaliw makinig ng Salita ng Diyos. Sabi nga sa sulat sa mga Hebreo, ang Salita ng Diyos ay mas matalas pa sa alinmang tabak na magkabila'y talim. Tumatagos sa katawan, kaluluwa at espiritu, at nasisiwalat ang lahat ng pag-iisip ng tao (Heb. 4:12). Kapag maganda ang mensahe at katanggap-tanggap sa pandinig, ay natutuwa tayo at masigasig tayong magbahagi, ngunit, kapag medyo hindi na maganda sa ating pandinig, ay kumukunot na ang ating noo, ngumingiwi, napapailing, at tumitigil na sa pakikinig. Dahil sa tinatamaan sila ng Salita na kanilang napapakikingan. Kapag hindi na ito umaayon sa kanlang kagustuhan, ay kanilang tinatalikuran nila ito at hindi na nakikinig sa Salita ng Diyos. Kung kaya, marami sa mga Kristiyano ang masiglang naglilingkod nga, laging present sa lahat ng activities, sobrang loyal sa mga gawain, kahit wala nang panahon sa pamilya, ay hindi nababago ang kanilang buhay. Walang pagbabago sa kanilang buhay, dahil ayaw nilang hayaan ang Salita ng Diyos na baguhin sila nang unti-unti, dahil ayaw nilang isuko o talikuran ang mga bagay na hinihingi sa atin ng ating Panginoon. 

Matutunghayan natin sa ating Ebanghelyo gayon ang isang mayamang lalaki na lumapit kay Jesus na nagnanais sumunod sa kanya. Tinanong ng binata sa ating Panginoon kung ano ang dapat niyang gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan. Nasabi ni Jesus na sumunod sa mga utos ng Diyos, tulad ng utos ni Moises. Nasabi ng binata na mula pa sa pagkabata ay sinusunod na niya ito. Dahil dito, ay hinamon siya ni Jesus na ipagbili niya ang lahat ng kanyang pag-aari, pagkatapos ay sumunod sa kanya. Dahil dito, ay nalungkot ang lalaki at umalis. Pagkaalis ng lalaki, ay itinuro ni Jesus sa laht ng tao at sa kanyang mga alagad na mahirap pumasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos, dahil sa hindi nila mabitiwan ang mga bagay na kanilang tinatankilik. Inihalimbawa ni Jesus ang kamelyo sa lalaking mayaman. Sapagkat ang mga mga hayop noon ay ikinukulong sa sabsaban na kalimitan ay sa mga yungib o kweba. Kahit malit at masikip ang butas, nay nakakapasok ang kamelyo at nakakasumpong ng kapahingahan doon. Dahil dito, ay tinanong siya ng kanyang mga alagad na sino ang maliligtas, dahil sa hirap ng hamong kanyang ipinahayag sa kanila. Ngunit, sinabi ni Jesus na sa paningin ng tao, ay mahirap sundin ito, ngunit, sa Diyos, ay madali lang. Nais niyang ipabatid na kung gagawin lang natin ito sa ating sarili, ay hindi natin makakaya ito, dahil sa hirap isuko ang mga bagay na nakasanayan natin at nakagawian, ngunit, kung hihingin natin ang kanyang tulong at biyaya, ay makakaya natin ito, sapagkat siya ang mangangalaga at magpapalakas sa atin sa bawat hamong haharapin natin sa pagsunod sa kanya. Hindi sinabi ni Jesus dito na ang mga mayayaman ay hindi na makakapasok sa kaharian ng langit. Hindi bawal magsikap at maging mariwasa. kundi, ay sa ating pagsunod sa kanya, ay hindi dapat tayo maging mapili o mapagtangi sa kung ano lang ang gusto natin, sapagkat ang tunay na pagsunod at pagiging alagad, ay buung-buong pagsunod at handang maging katulad ng Panginoon na sinusundan niya, na mula sa pagiging Diyos ay nagkatawang tao at nanirahan sa piling natin, upang makita sa atin ang larawan ng Diyos na patuloy na nangangalaga at nagtataguyod sa ating kapakanan.

Nawa'y maging hamon sa atin ang Mabung Balita ngayon ang tunay na pagsunod sa kalooban ng Diyos na walang itinatangi, at hingin natin sa kanya ang biyaya at lakas sa bawat hamong kailangan nating harapin. Upang makita sa atin ang tunay na pagiging alagad na nakikita ang pagkilos ng Diyos sa bawat araw na tayo'y naglilingkod sa kanya. 

Saturday, February 26, 2011

Manalig Sa Kanyang Kalinga (Linggo sa Ika-8 Linggo Sa Karaniwang Panahon, Taon A)

 "Walang aliping makakapaglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan. "Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin d upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa? "At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buhay ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!  "Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan. "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw." - Mateo 6:24-34 (ABMBB)

Ang isa sa mga iniutos ng Diyos sa mga tao ay ang magtrabaho upang mabuhay. Ito ay iniutos niya sa ito sa ating unang magulang na sina Adan at Eba, matapos silang magkasala at paalisin sa paraiso (Gen. 2:17b-19a). At maging si San Pablo ay pinayuhan niya ang mgaUnang Kristiyano sa Tesalonica na ang lahat ay magtrabaho sa kanyang ikinabubuhay at hindi umaasa sa iba, at maikalam sa buhay nang may buhay (2 Tes. 3:11-12. Ngunit, sa panahong ito, na matindi ang kumpetisyon sa ating lipunan, lahat ay sinisikap na maging maunlad sa buhay, kahit na nawawalan ng panahon sa kanilang pamilya, sa sarili at sa Diyos. Matugunan lamang ang pangangailangan nila upang mabuhay. Naalala ko nung ako ay nakapagtrabaho sa isang kumpanyang pinaglingkuran ko. Dahil sa pagiging abala sa lahat ng mga gawain sa opisina at simbahan, na halos hindi mo na alam kung anong uunahin mo at kailangang tapusin agad, ay unti-unting nagkakasakit na ako, hanggang sa unti-unting bumibigay na ang aking katawan dahil sa pagod.Madalas din ay napapansin sa akin ng aking mga kakilala at mga kaibigan na nangangayayat ako dahil sa kailangan kong magtrabaho. Dahil dito, ay pinayuhan ako ng doktor na magpahinga muna. Kung kaya't nag-resign ako. Nalungkot ako sa aking pagre-resign. Nandito na masyado akong naging balisa dahil sa mga balita tungkol sa mahirap humanap ng trabaho sa panahong ito, at dahil sa medyo tumatanda na ako, ay hindi ko maiwasang mangamba, dahil sa baka wala nang kumuha sa akin, dahil sa maraming mga mas bata ang mga makakakumpitensya ko sa paghahanap ng trabaho. Ngunit, dahil sa panghahawak ko sa pangako ng Diyos, ay hindi ako nabigo sa pag-asa sa kanya. Nagkaroon ako ng bagong trabaho na mas malapit sa tinitirhan ko, mas malaki ang sweldo at maraming benefits na makukuha, Magsisimula na ako sa March 7. Bagaman panggabi ang trabaho ko, ay tinatanaw ko ito ng malaking utang na loob sa kanya, dahil hindi niya ako pinabayaan sa aking mga pangangailangan.


Matutunghayan natin sa aing Ebanghelyo ngayon ang pagtuturo ng ating Panginoon sa kanyang mga alagad lahat ng alagad na hindi maaring maglingkod ang tao nang sabay sa Diyos at sa kayamanan. Itinuturo sa atin ni Jesus na dapat ay mamili sa isa, sapagkat ang paglilingkod ay dapat kakitaan ng buong pusong pagmamahal sa Panginoong pinaglilingkuran. Mahirap maglingkod nang sabay dahil kapag hiningi ng isa na talikuran ang isa, ay mahihirapang mamili ang naglilingkod kung sino ang pipilin niya, dahil na rin sa dami ng kanyang ninanais na makamit, na hindi niya makuha sa isang pinaglilingkuran.  Sapagkat kinakailangang bigyan niya ng buong pansin ang panawagan nito sa kanya. Hindi literal na sinasabi niya sa atin na tanggihan o huwag na tayong magtrabaho para maging maginhawa, kundi ay dapat na maging una ang Diyos sa lahat, at huwag tayung masyadong magpaalipin sa mga bagay na ating tinatangkilik. Sapagkat, ito'y hindi nakakatulong sa ating buhay ang labis na pag-aalala, bagkus ay nagdudulot pa ito ng kapahamakan. Inihalimbawa niya ang mga maya at ang liryo sa ating mga tao. Dahil ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng nilikha niya ay alam niya, ay siya ang nagbibigay nito. Ito rin ang pangakong binitawan ng Diyos sa kanyang bayan sa unang pagbasa, na kahit na talikuran pa man tayo ng ating pamilya o ng lahat ng tao, ay nangangako ang Diyos na hindi niya iiwanan ang sinuman sa atin, dahil sa kanyang labis na habag at pag-ibig niya sa lahat ng kanyang nilikha. Anuman ang katayuan niya sa mundo. Maging sa ating salmong tugunan, ay maliwanag na inaanyayahan ang salmista na patuloy taong lumapit sa Diyos na patuloy na nagmamahal sa atin. Sapagkat siya ay matibay nating masasandalan, tanggulan at kanlungan. Inaanyayahan niya tayo sa huli na magtiwala sa kanyang kapangyarihan at magagawa, sapagkat siya ay maasahan sa lahat ng ating pangangailangan.

Nawa'y matuto tayong magtiwala at kumapit sa kanyang kapangyarihan, lalo na sa panahon ng kagipitan. Sapagkat siya ay tunay at labis na nangangalaga at nagpapahalaga sa lahat ng ating pangangailangan (1 Ped. 5:7) 

Friday, February 25, 2011

Magpakita ng Pagiging Magiliw(Sabado, sa Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon)

May mga taong nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay, ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. Nagalit si Jesus nang makita ito at sinabi sa kanila, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. Tandaan ninyo: ang sinumang hindi kumikilala sa paghahari ng Diyos, tulad sa pagkilala ng isang maliit na bata, ay hinding-hindi paghaharian ng Diyos."  Kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at binasbasan sila.- Marcos 10:13-16 (ABMBB)




Kadalasan, kapag may isang bata na makulit, ay hindi natin maiwasang maasar o mainis sa kanila. Hindi mo minsan mawari kung ano ang gusto at bakit siya mahilig mangulit. Minsan, ay may sakristan akong nakilala na sobrang kinaiinisan, hindi lamang ng kanyang mga kasama, kundi, maging ng aming mga pari at mga nakakatanda sa simbahan. Minsan, ay nasasabi nila sa akin na sobrang kulit niya, sa misa, ang ingay-ingay, sa mga kapwa sakristan, sobrang kulit, lahat, kinaasaran siya. Nung nagsimulang magturo ako sa kanila, ay napansin ko na lagi siyang sumasama sa akin, kahit saan man ako magpunta, ay hindi siya umaalis sa tabi ko. Kapag dumarating ako sa simbahan, ay siya ang unang sumasalubong sa akin, siya agad ang nakakakwentuhan ko. Marami siyang ikinukuwento sa akin. Minsan pa nga, ay ipinapakita niya sa akin ang kanyang mga matataas na marka sa kanyang mga projects at exams. Tuwang-tuwa siya nung masai ko na, "Wow! Ang galing naman! Talino mo pala at magaling mag-drawing! Galingan mo, balang araw, ay magiging magaling kang artist!" Pagkatapos kong masabi ito, ay napaiyak siya. Nagtaka ako kung bakit at itinanong ko sa kanya kung bakit siya umiyak. Nasabi niya na, "Salamat kuya! Kasi, sa wakas, may nakapansin sa talino at kakayahan ko. Kasi walang pumapansin sa akin,  hindi nila nakikita ang magandang katangian na meron ako. Yung kakulitan ko lang ang nakikita nila." Napaiyak ako sa kanyang ibinahagi. Nalulungkot ako sa katulad niya. Kung minsan, ay puro mga hindi maganda ang nakikita natin sa ating kapwa, sa halip na tingnan natin ang mabubuting bagay sa kanila. Kung kaya, ay hirap tayong makita ang mabuting bagay na pwede nating makita sa kanila.

Mababasa natin sa ating Mabuting Balita ngayong araw na ito na may mg taong nais lumapit kay Jesus upang ipatong ang kanyang kamay sa mga ito. Ngunit, pinagalitan sila ng kanyang mga alagad.  Palibhasa bata, ay makulit, at baka maabala pa nila ang Panginoon. Ngunit pinagsabihan sila ni Jesus na huwag nilang kagalitan sila, sapagkat ang mga bata ay kabilang din sa kaharian ng Diyos. Sapagkat noong panahon ni Jesus, ang mga babae at bata ay hindi ganoon kataas sa paningin ng lipunan. Ngunit, ipinakita ni Jesus ang kanyang pagiging magiliw sa kanila, sapagkat ang Diyos ay hindi lamang sa partikular na grupo lamang, kundi ay para siya sa lahat na patuloy na naghahanap sa kanya. At kung paanong ang lahat ay tinatanggap ng Diyos, nararapat lamang na matuto tayong tumanggap  sa lahat, at walang pagtatangi. Dahil, kung hindi tayo marunong tumanggap sa tulad nila, ay hindi rin tayo tatanggapin ng Diyos sa kanyang pilin. Dahil kung anuman ang ginawa mo sa iyong kapwa, ay siya rin ang gagawin sa iyo ng ating Panginoon.

Nawa'y matuto tayong maging magiliw sa lahat ng tao, hindi lamang sa iilan. Sapagkat ang pag-ibig at pagiging magiliw sa atin ng Diyos ay walang pagtatangi, ang lahat ay minamahal niya, anuman ang ating pinagdaanan at katayuan sa buhay.


Thursday, February 24, 2011

Manatiling Tapat! (Biyernes, sa Ika-7 Linggo Sa Karaniwang Panahon, Taon I)

Pag-alis doon, si Jesus ay nagpunta sa lupain ng Judea at tumawid sa ibayo ng Ilog Jordan. Muling dumagsa ang maraming tao at tulad ng dati, sila'y kanyang tinuruan. May ilang Pariseong gustong subukin si Jesus; kaya't lumapit sila at nagtanong, "Naaayon po ba sa Kautusan na palayasin at hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?" Sumagot siya, "Ano ba ang utos ni Moises sa inyo?
Sumagot naman sila, "Ipinahintulot po ni Moises na ang lalaki ay gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay bago niya palayasin at hiwalayan ang kanyang asawa." Ngunit sinabi ni Jesus, "Ginawa
ni Moises ang utos na iyon dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit simula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, nilalang na niya ang tao na lalaki at babae. 'Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa at ang dalawa'y magiging isa.' Hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman."  Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Jesus tungkol sa bagay na ito. Sinabi niya sa kanila, "Kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang pangangalunya sa kanyang asawa.Gayon din naman, ang babaing magpalayas ng kanyang asawa at mag-asawa ng iba,  siya ay nagkakasala at humiwalay sa
 kanyang asawa, at mag-asawa ng iba ay nagkakasala rin ng pangangalunya." - Marcos 10:1-12 (ABMBB)

Ang pagiging tapat sa iyong asawa, pamilya, anak, kaibigan at sa Diyos ay isang katangian na dapat makita sa bawat isa, upang mas lalo pang maging mainit at magtagal ang pagsasasamahan ng bawat isa. Sapagkat ang pagiging tapat ay ang pagpapakita ng pananatili sa iyong pangako na siya lamang ang mamahalin mo at hindi mo hahayaang masaktan o masira ang inyong relasyon. Kapag nasira o hindi naging maingat sa katapatan sa pangakong iyong binitiwan o ang mga bagay na inaasahan sa iyo, ay nagkakaroon ng lamat sa pagsasama, hanggang sa mauwi lamang ito sa paghihiwalay o pagkakasira ng bawat isa. Ang pagiging tapat din sa isang tao o sa iyong minamahal ay ang pakikisama mo sa isang tao, anuman ang katangiang kanyang tinataglay. Sabi nga ng Philosophy professor ko, "Kapag ika'y mag-aasawa, hindi ka lang magiging tapat sa iyong asawa sa panahong kayo'y masaya, at kung ano lamang ang magustuhan mo sa kanya. Kundi, maging tapat ka rin sa kanya, sa panahon ng pagsubok, sa panahong magkagalit kayo, sa panahong mainit ang ulo ng isa, at sa panahong may hindi kayo pinagkakasunduan. sapagkat sa panahon ng pagsubok at di pagkakasundo, ay dito mo makikita kung gaano kalalim ang pagmamahal mo sa iyong asawa, na siyang lalo pang magpapatibay sa iyong asawa. Gayon din sa iyong kaibigan, kung talagang tunay kang kaibigan, hindi lamang sa panahon ng kasiyahan, maging sa panahon ng kanyang kasawian, dahil dito mo makikita ang mga tunay na taong nagpapahalaga sa iyo, na siyang magpapatibay sa niyong pagkakaibigan."

Mababasa natin sa ating Ebanghelyo sa araw na ito ang mga Pariseo ay nagtanong sa ating Panginoon kung nararapat na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa. At naitanong niya sa kanila kung ano ba ang nasusulat sa batas. Nasabi nila na ayon sa batas ni Moises, ay nararapat ito kapag nakagawa ng kasulatan ang lalaki, bago hiwalayan ang babae. Ngunit, sinalungat ito ni Jesus. Binanggit niya ang pasimulang aklat sa Genesis na mula pa nung simula, ay nilikha na ng Diyos ang lalaki at babae, at dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at sila'y magiging isa. Dahil sa kanilang katigasan ng ulo, ay kaya pinayagan ang diborsyo. Dahil sa kapag ang lalaki ay may nakitang hindi maganda sa babae, ay hiwalay agad. Idinidiin ni jesus ang kahalagahan at kasagraduhan ng kasal. Ang pag-aasawa ay ang pagsasama ng lalaki at babae, hindi dahil sa gusto lang nila, o gusto nila ang ilang bahagi ng katangian nila, kundi ay ang buung-buong pangtanggap na pagmamahal sa bawat isa, anuman ang kanilang ugali at katangian, dahil sila'y instrumento ng Diyos upang magpatuloy ang salinlahi ng tao. Ito ay hindi lamang sa mag-asawa, kundi sa ating lahat na nagmamahal sa ating kapwa, at sa Diyos. Hindi lang dahil sa may ayaw tayo sa kanila, ay ayawan na agad. Kundi ang pagiging tapat sa isa't isa na maging mabuti, maingatan ang pagsasamahan at tanggapin ang kahinaan ng bawat isa, kagaya ng ipinapakitang pagtanggap sa atin ng ating Panginoon ng buung-buo.
Nawa'y palaging maging tapat tayo sa ating pagsasama sa ating kabiyak, pamilya, anak, kaibigan at sa Diyos. Dahil ito'y sukatan ng ating lalim ng pagmamahal sa bawat isa, at buung-buong pagtanggap natin sa kanila, na siyang pagtanggap na ipinakikita sa atin ng ating Panginoon sa bawat araw.

Wednesday, February 23, 2011

Putulin ang Ugat! (Huwebes, sa Ika-7 Linggo Sa Karaniwang Panahon, Taon I)

 Tandaan ninyo: ang sinumang magbigay sa inyo ng isang basong tubig dahil sa kayo'y tagasunod ko ay tiyak na tatanggap ng gantimpala." "Mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at itapon sa dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananalig sa akin. Kung ang kamay mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang kamay, kaysa may dalawang kamay na mapunta ka sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. Kung ang paa mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang paa, kaysa may dalawang paa na mapunta ka sa impiyerno. At kung ang isang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito! Mabuti pang pumasok ka sa kaharian ng Diyos na kulang ng isang mata, kaysa may dalawang matang itapon ka sa impiyerno. Doo'y hindi namamatay ang mga uod at ang apoy. "Sapagkat ang bawat isa'y dadalisayin sa apoy. Mabuti ang asin, ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Maging kagaya kayo ng asin, at mamuhay kayong mapayapa sa isa't isa." - Marcos 9:41-50 (ABMBB)



"Ang hirap namang magbago!"Ito ang nasabi sa akin ng isang kaibigan kong mahilig uminom. Dahil sa kanyang pagiging sugapa sa alak, at hindi kumpleto ang araw niya nang hindi siya nakakainom ng alak, ay dumating sa punto na nasira na niya ang pag-aaral niya at maging ang kanyang relasyon sa kanyang pamilya. Alam niyang mali ang paglalasing, ngunit sa mga panahong niyayaya siya ng kanyang mga barkada sa inuman, ay hindi niya maiwasang tumaggi. Pabiro pa niyang nasabi sa akin na, "Sa twing ako'y nakakakita ng alak, ay parang tinatawag ako at inaakit na uminom, parang nagmamakaawa na uminom ako, kahit isang lagok lang." "Pabiro ko rin namang sinabi na, "Isa lang ang paraan niyan,  huwag mong pakinggan at lapitan, at titigil yang pang-aakit niyan sa iyo. Kung makita mo, lingon agad, huwag mong tingnan." Natawa siya rito, pero nabatid niyang may laman ang birong nasabi ko. Para maiwasan natin ang kasalanan, ay dapat putulin muna natin ang ugat ng pagkaksala, upang magkarron ng tunay na pagbabago sa ating sarili at makalaya tayo sa kasalanang umaalipin sa atin. 

Mababasa natin sa aing Mabuting balita sa araw na ito ang pagtuturo ni Jesus sa kanyangmga alagad tungkol sa mga sanhi ng pagkakasala at kung paano natin ito maiiwasan. Nasabi niya na mabuti pa sa isang tao na mamatay, kung siya ay nagiging sanhi ng pagkakasala. Hindi literal na pahayag ito ng ating Panginoon na talagang mamatay dapat ang taong naging sanhi ng pagkakasala, kundi mabuti pa sa taong ito na huwag gumawa ng anumang hakbang na ikatitisod ng kanyang kapwa. Dahil parang pinatay na rin niya ang kapwang nasadlak sa kasalanan dahil sa kapahamakang idudulot nito, hindi lang pagkatawan, kundi pati pangkaluluwa. Upang hindi magkasala ang sinuman, ay sinabi niya na kung ang iyong paa, kamay at mata ay dukitin, putulin at itapon. Hindi rin literal ito na dapat gawin, kundi alisin ang mga bagay na nagiging sanhi ng pagkakasala. Bakit ginamit niyang halimbawa ang kamay, paa at mata? Sapagkat ang kamay ay ginagamit upang gumawa ng anumang bagay na naisin natin, mabuti man ito at masama, ang paa, sapagkat ito ay ginagamit nating panlakad kung saan natin ibig pumunta, mabuti man o masama ang ating pupuntahan. Ang mata, ay ginagamit natin upang makita natin ang mga magagandang bagay sa ating paligid na siyang nagpapakit sa ating paningin. Binibigyang diin ni Jesus na alisin natin ang mga bagay na nagdudulot ng kasamaan sa ating kapwa. Sa halip na kabutihan ang idulot, ay kasalanan ang pinapairal, na siyang nagtutulak sa kapwa na maging masama at mapahamak. At tukuyin ang ugat nito na siyang nagtutulak sa atin at sa ating kapwa na gumawa ng mail.

Nawa'y mapagnilayan natin sa ating sarili ang mga bagay na nagiging ugat ng ating pagkakasala na siyang nagdudulot ng kapahamakan sa iba. Sapagkat ang paggawa ng masama at pagbubuyo nito sa ating kapwa ay inilalagay na natin ang ating sarili hindi lamang sa kapahamakan dito sa lipa, kundi sa mas lalo pang matinding kapahamakan, ang kapahamakan ng ating mga kaluluwa.

Lassoed by the Holy Rosary

The Holy Rosary is one of the favorite and popular devotions in the Roman Catholic Church. It gives victory to the Church in times of crisis especially in dispelling heresies during the middle ages, and triumph against the Mohammedans when Rome was threatened during the reign of Pope St. Pius V. This devotion is also a powerful armor against the devil by instilling in our minds on what our savior did to us, and through the help of his mother to keep us closer in His heart. This prayer is also very powerful in times of need and necessities. This powerful devotion also helps us to meditate on its mysteries of our Salvation through the help of his mother who points s to his son to do whatever he tells us. (John 2: 5), through her example of accepting the Word made flesh in her life, and sharing the good news of salvation to others, in visitation, and to ponder and keeping everything that happen to her and her son in  her heart. This devotion really serves as my strong connection between my God through some of my experiences in the powers of my rosary.

 This rosary that I am holding in this picture is one of the gift I received from my officemate before in my first job. She gave me a Benedictine rosary from Italy. Whenever I gazed upon this powerful prayer, tears began to run in my eyes as it brings back some of the memories I had when some of my family members shared some of my childhood memories about it, some favors and graces I received, and the maternal love of the blessed mother that it really transforms me to be a better and a strong Catholic. Whenever I recall these experiences, it  realy feel me blessed and guided my our mother who really brings us close to her son and embracing us in times of comfort, just as a mother comforts her child.

I recall when my mother used to tell me, that when I was in her womb, she used to pray a lot, and always keeping a rosary in her pocket. Wherever she goes, even though she is just lying in bed, she used to hold it and never let it loose in her hand. She used to pray a lot on that time and among our siblings, I was the only one who really draws her more to be more religious and prayerful on that time. It helps her more to understand her faith and having a peace of mind in times of difficulty. My aunt used to tell me when I was an infant on that time, when my grandmother put two objects on which I am going to choose, whether it is a Php. 10.00 bill or a rosary. If I choose the paper bill, I will be a businessman, if I picked the rosary, I would be a priest. I picked up the rosary and she exclaimed, "Ay! Magpapari iyan!" (AY! She will be become a priest!) Although it is funny story, but I realized that there is something that God stored for me even before I was born. Like Prophet Jeremiah who was consecrated in her mother's womb.
This devotion that has been taught by my grandparents, became my habit during my elementary days. I used to bring the rosary in school, and I feel uncomfortable if I do not have a rosary in my pocket. My teacher was used to call me to lead the recitation of the rosary everyday, because I was the only one who has a rosary  among the students and know how to recite it. Because of that habit, I won the affection of my teachers, which some of my classmates began feel a little bit jealous on me. Aside getting their affection, I got the highest grade in religion, because I got the perfect score in quizzes and exams when it comes to writing the formula prayers, especially the prayers in the rosary. This prayer is also my companion. During lunch break, I used to pray the rosary together with my other classmates in adoration chapel. I really feel peace and calmness whenever I pray. I also feel that there is an unseen arms that taps my shoulder and embraces me as I sit down and pray.
When I was High School, this rosary  serves as my strength in times of trouble and difficulty. It really slowly forms my vocation to be a priest. Because of this prayer, it really slowly understand my faith and my vocation on that time becomes stronger. This prayer also draws me to serve as an altar boy for five years. When I entered in college, the rosary became my companion and my strength in times of trials. I remembered that I almost did not able to graduate from college, due to financial problem in payment of my graduation fees. My mom and I prayed the rosary and asking our Lady to send someone who could lend us some money in order to pay my graduation expenses. After we pray, one of our neighbor knocked on our door and informed us that there is someone who could lend us some money, to help us in our problem. We were filled with joy on that time and we thanked God and Mama Mary for this blessing. I also remember that when I headed home after my class, I was short in my budget for the fare. I was confused on that time how can I reached home. On the way to Sta. Rosa, Laguna, I prayed the rosary and asked for help. As I reached waltermart Sta Rosa at 11:00 PM, I waited at the tricycle and thinking that I will wake up my mom to pay the tricycle driver as I reached home. A woman approached me and told me, "Sabay ka na sa akin pauwi." (Join me as I headed home). I was blessed on that very moment. As it seems I am going to pay, the woman told me that she will be the one who pay the are. As I entered in my room. I knelt down at my altar and thanked Our Lady for this favor I asked. When my grandparents died, darkness began to enveloped me. They are the one who taught me to pray and lived on my faith as a Catholic like them. Most of the reactions of the sympathizers during the wake, that they died peacefully. My grandfather died on the stroke on October 19, 2004, while my grandmother died two months afterward on January 5, 2005 on a cardiac arrest. I recall one of the promises of the Blessed Mother to St.Dominic that those who faithfully will not die a bad death (#6). Truly the Blessed Mother, granted the grace of a holy death to them.  

After college, I entered in the Order of Servants of Mary (OSM) on the Solemnity of Pentecost, May 15, 2005. Because I was young on that time, my superiors decided that I should leave. Although I had a vocation, but it is not a proper time for me to undergo formation. I need to expose more outside. They told me that they expected that I would not reached the rite of acceptance in pre-novitiate, but it seems that God's ways is working within me, I was able to reached my pre-novitiate. I left the seminary on November 16, 2005. I was lost, devastated, and confused. I began to complain God why he let this happen to me. As I went out, I met some of the Iglesia Ni Cristo brethren, who consoled me and taught me their doctrines. As I get along with them, I began to be an anti-catholic and criticizing the Catholic Faith. I began to neglect and even reject the rosary and spent my time in spontaneous prayers due to the teachings I learned from them. But because I still believed in the divinity of Christ and I reject the exclusivity of salvation, thankfully, I was not baptized. Longing and confusion still darkens my life on that time.
 Sparks of hope began in my life on May 2006. When there is a strong urge within me to pray at our chapel. I only brought is my rosary. Neither my cellphone, wallet, my Bible, and even a bag, but only a rosary. There was a mayflower activity on that time. It seems that there is a lasso that pulls me to kneel in the pew and pray. Tears began to run in my eyes. I could not explain why I am crying. I just realized that as I finished my rosary. One of the youth members in our chapel approached me. She was happy to see me and invited me to join in LCM (Lectors and Commentators Ministry). She called Bro. Jimmy Estera, the president on that time, and he encourages me to attend the seminar, trainings and meetings. I accepted their offer. Although there is still a struggle in my faith, God is really shedding His light in my dark moments, although I missed sometimes in reciting the rosary, God still blessed me with a lot of opportunities and aiding my needs. The rosary that I rejected before became a lasso that pulls me back to Christ and His true Church..the Catholic Church. Truly, Mama Mary lead me to her son, and she really comfort me in times of darkness and sorrow. Just as a mother comforts her son and carries him in her lap, so the Mother of God comforts me and carries me in her arms and it feels me secure and safe.
Today, the rosary is my daily habit until right now. This is my prayer before I read at the mass, especially the mystery of annunciation, where Mama Mary humbly accepts and obey the word incarnate in  her life. It is a must for a lector like me to accept His word with humility and obedience, so that Jesus will be seen in my words and actions. As I contemplated my life, I could say that my life is full of mysteries, like the mysteries of the Rosary. In this world, we experience joy and surprises. But as we go along our way, we encountered sorrows that it inflict pains in our lives, but as we endure it, we look forward to the glory that awaits us in heaven, where there is no more pain and suffering, death and sorrow. But for now, as we journey in this world, we need a light that guides us in order to reach this glory that awaits us. It is like a water that I cannot live without. I feel thirst whenever I missed praying my daily rosary. This devotion is also my source of strength in times of difficulty by meditating on the mysteries of the Son of God who became flesh and dwelt among us. Truly, the rosary is a lassoed that it draws us closer to Christ through His mother who comforts us and guides us to her son and His true family he established, which is His Church.  

Monday, February 21, 2011

Walang Pagtatangi (Miyerkules, Sa Ika-7 Linggo Sa karaniwang Panahon)

Sinabi sa kanya ni Juan, "Guro, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng inyong pangalan. Pinagbawalan namin siya dahil hindi natin siya kasamahan." Ngunit sinabi ni Jesus, "Huwag ninyo siyang pagbawalan sapagkat ang taong gumagawa ng himala sa pamamagitan ng pangalan ko ay hindi agad magsasalita ng masama laban sa akin. Sapagkat ang sinumang hindi laban sa atin ay panig sa atin. Tandaan ninyo: ang sinumang magbigay sa inyo ng isang basong tubig dahil sa kayo'y tagasunod ko ay tiyak na tatanggap ng gantimpala." - Marcos 9:38-40 (ABMBB)


Sino ba ang mas mataas ang antas sa paglilingkod? Ang Lay Ministers or ang Lectors? Ito ang naging tanong sa akin ng isa sa mga kakilala ko sa isang parokya na kanyang pinaglilingkuran. kaya nya naitanong ito ay dahil sa may mga naging pagtatalo sa kanilang parokya dahil sa ginagampanan nilang tungkulin at sa kanilang paghuhubog na kanilang natatanggap upang mas lalo pa nilang mapataaas ang kalidad ng kanilang ginagampanang tungkulin. Nasabi ko ang naging isang sharing ng aming parochial vicar na lahat ay pantay-pantay lang ang mga naglilingkod, walang mataas, walang mababa. lahat ay mahalaga. Hindi magiging maayos ang palakad ng simbahan kung walang katuwang sa kaayusan nito. Dahil ang lahat ng ito ay para sa ikaluluwalhati ng Diyos at para makita ang Diyos sa ating mga pagllingkod sa loob at labas ng simbahan. Kung minsan, dahil sa ating pagkatagal-tagal nang paglilingkod, ay mas nabibigyan natin ang ating sariling kapakanan, at hindi na natin nabibigyang halaga ang mga taong naglilingkod din, at mas masakit pa, ay minamata pa at minamalit ang mga gampanin ng iba. Ito ay pagpapakita ng pagtatangi sa ating sarili at paglalagay ng pader na maghihiwalay sa atin at sa iba.

Mababasa natin sa ating Ebanghelyo ngayon ang mga alagad na ikinuwento kay Jesus na may isang di kasama nila na nagpapalayas ng demonyo sa kanyang pangalan, pinagbawalan nila ang taong iyon. Ngunit, sa halip na sumang-ayon si Jesus, ay pinagsabihan niya sila na hindi dapat nila pinagbawalan ang taong iyon, dahil sa hindi naman ginagamit ng taong iyon ang pangalan niya sa kung ano pa man, kundi ay ang hangaring mapalayas ang demonyong sumasapi sa tao. Ipinapakita rito ni Jesus na kung hindi naman sinasalungat ang tanging layunin niya na mabigyang luwalhati ang Diyos at hindi para sa pansariling kalooban, ay handi ito nakakasama, kundi, ito ay tanda ng ating pakikibahagi sa kanyang misyon at ang pagmimithing maging mabuti sa lahat ng taong nangangailangan nito. Ipinapakita rin niya sa kanyang mga alagad na hindi dapat mamayani sa kanilang buhay ang pagtatangi sa ginagawang kabutihan ng iba, dahil iisa lang ang layinin nito at hindi iba sa layunin na kanyang itinataguyod. Kung kaya, sa twing tayo'y gagawa ng anumang mabuti sa ating kapwa, ay may pangakong gantimpalang ilalaan sa atin, dahil sa atas ng paglilingkod sa lahat ng tao, na walang pagtatangi sa taong nangangailangan nito at sa mga taong nais makibahagi sa misyong ibinigay sa atin ng ating Panginoon. 

Nawa'y iwaksi natin sa ating puso ang pagmamataas at pagtatangi sa kapwa nating nakikiiisa sa minsyon ng ating Panginoon, kahit magkakaiba man ang uri at kalagayan na taing kinabibilangan. Dahil ang lahat ng ito ay para sa kanyang kapurihan at kaluwalhatian. 

Simbahan: Larawan ng Katatagan at Kalakasan (Martes, Kapistahan ng Luklukan ni San Pedro)

 Nang dumating si Jesus sa bayan ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Ano ang sinasabi ng mga tao patungkol sa Anak ng Tao?" At sumagot sila, "Ang sabi po ng ilan kayo si Juan na Tagapagbautismo. Sabi po naman ng iba, kayo si Elias. At may nagsasabi pong kayo si Jeremias, o isa sa mga propeta." Tinanong ulit sila ni Jesus, "Ngunit para sa inyo, sino ako?" Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay." Sinabi sa kanya ni Jesus, "Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit. At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit.". - Mateo 16:13-19 (ABMBB)

 Ang simbahan ang isa isa pinakamakapangyarihang institusyong umiral sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng mga aral na itinaaguyod nito, ay kaya nitong impluwensyahan ang mga tagasunod nito, dahil sa isang pananampalatayang tinanggap nito. Ang EDSA revolution na pinakilos ng ating namapayapang si Cardinal Sin ang isang halimbawa nito. Dahil sa nararanasan ng mga tao noon ang maling pamamalakad ng gobyerno, ay hinikayat ng ating namayapang Cardinal na magkaisa, manalangin at maging daan ng kapayapaan, sa halip na karahasan ang pairalin upang makamit ang minimithing pagbabago sa lipunan. Naging matagumpay ang kilusang ito, at nagdulot ng kaayusa sa ating bansa. Ang simbahan din ang naging kanlungan ng mga taong nangangailangan, di lamang sa pangangailangang materyal, kundi maging sa espirituwal din. Ang mga sakramento, pagtuturo at ang ilang mga proyekto nito ay nakakatulong sa mga nangangailangan, di lamang sa mga katoliko, maging sa ibang pangkatin ng pananampalataya, tulad ng Pondo ng Pinoy, Caritas Manila, at katulad nito. Ipinapakita nito na ang simbahan ay isang tahanan, na pwede mong silungan, at pwede mo ring tanggulan sa panahon g pangangailangan. At kahit na puno ng batikos at pag-uusig ang simbahan, ay nanantili pa ring matatag ito. Bagaman nasuong pa rin sa mga iskandalo at mga kahihiyan ang ilang miyembro ng ating simbahan, ay nananatili pa ring matatag at nakatayo ito, di tulad ng ibang samahang natayo at umiral sa ating lipunan. Ito ay tanda lamang ng pananatili ng presensya g Diyos sa kanyang simbahan, at ito rin ay katunayan na ang Diyos na walang simula at walang katapusan ang siyang may-ari nito.



Ngayon ay ipinagdiriwang ng buong simbahan ang kapistahan ng luklukan ni san Pedro Apostol. Ito ay isang matagal nang kapistahan na umirala pa noong AD 354. Hindi mismo ang upuang materyal ang ipinagdiriwang ng simbahan kundi ang kapangyarihan ng namumuno sa Simbahan na kung saan ay si san Pedro ang uang papa ng simbahan. Ang upuan ay simbolo ng kapangyarihan ng nakaupo dito. Kung kaya ang trono, ay para lamang ito sa hari, at hindi kung sinu-sino ang umupo dito. sapagkat ito ay simbolo ng kapangyarihan ng pagiging hari ng kanyang nasasakupan. Sa ating simbahan, ang upuan ng pari sa loob ng simbahan ay isang tanda o simbolo ng kanyang pagiging Alter Christus o si Cristo ang kumikilos sa pamamagitan ng pari. Ang Upuan ng Obispo ay isang tanda ng kanyang pagiging pastol sa buong diyosesis na ipinagkatiwala sa kanya ng papa upang pangalagaan ang mga parokyang nasasakupan niya. Kung kaya, iba ang upuan ng pari sa obispo. Kapag naghohomiliya ang mga obispo o papa, sila ay nakaupo sa kanilang luklukan o upuan, na tanda ng kanilang kapangariyang tinataglay nila at kanilang itinuturo sa mga mananampalatayang katoliko.

Matutunghayan natin sa ating Ebanghelyo ngayon ang pagtatanong ng ating Panginoon sa kanyang mga alagad kung sino siya. Nasabi nila na may nagsabing siya'y si Juan Bautista, si Propeta Elias o isa sa mga propetang nabuhay nong unang panahon. Itinanong niya kung sino siya para sa kanila. Nasabi ni San Pedro na siya ang Cristo, ang anak ng Diyos. Isa itong pagpapakita ng kanyang tapang at pagiging tapat sa tanong sa kanya. Ito ay isang katangian ng mabuting pinuno na dapat maging matapang sa pagharap sa hamon nito at kapatan sa miyembro na hinahawakan nito. At dahil dito, ay nasabi ng ating Panginoon na mapalad siya, dahil sa tapang at pagiging totoo niya sa kanya, kung kaya ay tinawag siyang Pedro o Kephas, na ang ibig sabihin ay bato, at sa batong ito, ay itatayo niya ang kanyang Iglesya o simbahan, na kanyang katawan at bagong bayan ng Diyos. Dahil si Pedro at ang mga kasama niyang alagad ang siyang magiging pundasyon ng simbahan, at magpapatibay sa pagkakatayo nito, sa gitna ng mga hamong haharapin nito. At ipinangako niya na ang pintuan ng Hades ay hindi makakapanaig dito. Ipinapakita niya rito ang isang napakagandang pangako, na kahit anumang unos at lindol na dumating sa simbahan, ay hindi kayang gibain ito, dahil ang Diyos na buhay ang siyang may-ari nito. Ang pagbibigay ng susi ng langit sa kanya ay tanda ng pagkakaloob ng mga tagubilin at aral na dapat nilang ibahagi upang mapanatili ang kabanalan at kaayusan ng bagong bayan ng Diyos. At ito rin ang itinataguyod at pinanghahawakan ng mga naging kahalili nla, tulad ng Papa, sa kanyang mga obispo at mga pari. Ang simbahang Katoliko, bagaman maraming unos at lindol na pinagdaanan at patuloy na hinaharap nito, ay patuloy pa ring nakatayo. Ito ay tanda lamang ng pananatili ng pangako ng Diyos sa kanyang bayan na ito ay hindi mawawala at hindi magigiba nang basta-basta, sapagkat siya ang may-ari nito at nanatili ang kanyang presensya dito, hanggang sa katapusan ng panahon.

Pasalamatan natin at purihin ang Diyos sa kanyang pananatili sa atin at niloob niyang makasama tayo sa iisa, banal, katoliko o pangkalahatan at apostolikong simbahang itinatag niya sa pamamagitan ng mga apostol na naging haligi nito at ang mga aral nito'y itinataguyod ng Papa, Obispo, Pari at mga layko. Sapagkat ito'y nagsisilbing kanlungan natin at patnubay sa ating buhay pananampalataya, na kahit pilit gibain, ay hindi magigiba, sapagkat ang Diyos na buhay ang siyang tunay na may-ari nito. Amen.

Sunday, February 20, 2011

Panalanging May Pananampalataya (Lunes, Sa Ika-7 Linggo Sa Karaniwang Panahon)

Nang magbalik sila, naratnan nila ang ibang mga alagad na napapaligiran ng napakaraming tao gayundin ng mga tagapagturo ng Kautusan na nakikipagtalo sa kanila. Nang makita si Jesus ng mga tao, nagulat sila at patakbo nilang sinalubong upang batiin si Jesus. Tinanong ni Jesus ang kanyang mga alagad, "Ano ang inyong pinagtatalunan?" Sumagot ang isa mula sa karamihan, "Guro, dinala ko po rito sa inyo ang aking anak na lalaki dahil siya'y sinasapian ng masamang espiritu at hindi makapagsalita. Tuwing siya'y sinasapian nito, siya'y ibinubuwal; bumubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang kanyang mga ngipin, at siya'y naninigas. Hiniling ko po sa inyong mga alagad na palayasin nila ang masamang espiritu ngunit hindi nila ito mapalayas."  Sinabi ni Jesus sa kanila, "Lahing walang pananampalataya! Hanggang kailan pa ba ako mananatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!"  Dinala nga nila ang bata sa kanya. Nang si Jesus ay makita ng espiritu, biglang pinapangisay nito ang bata. Ang bata'y natumba sa lupa at gumulung-gulong na bumubula ang bibig. "Kailan pa siya nagkaganyan?" tanong ni Jesus sa ama." Simula pa po noong bata siya!" tugon niya. "Gusto po siyang patayin ng masamang espiritu. Madalas inihahagis po siya nito sa apoy at itinatapon siya sa tubig. Subalit kung may magagawa kayo, kami po ay kaawaan at tulungan ninyo." "Kung may magagawa ako?" tanong ni Jesus. "Mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya." Agad namang sumagot ang ama ng bata, "Naniniwala po ako! Tulungan po ninyo akong madagdagan pa ang aking pananampalataya." Nang makita ni Jesus na dumadami ang mga tao, sinabi niya sa masamang espiritu, "Inuutusan kita, espiritu ng pagkapipi at pagkabingi, lumabas ka sa bata at huwag ka nang babalik sa kanya!" Nagsisigaw ang masamang espiritu, pinangisay ang bata at saka lumabas. Nagmistulang bangkay ang bata kaya't sinabi ng marami, "Patay na siya!" Ngunit ang bata'y hinawakan ni Jesus sa kamay, ibinangon, at ito'y tumayo. Nang pumasok si Jesus sa bahay, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, "Bakit po hindi namin napalayas ang masamang espiritung iyon?" Sumagot si Jesus, "Mapapalayas lamang ang ganitong uri ng espiritu sa pamamagitan ng panalangin." - Marcos 9:14-29 (ABMBB)


Minsan ay may nasabi sa akin ang isa kong kaibigang psychologist na mas mabilis na maka-recover sa isang traumatic experience ang isang may taong may malalim na pananampalataya sa Diyos kaysa sa isang may mababaw o walang kinikilalang Diyos. At totoo nga ito, dahil sa isa sa mga dahilan kung bakit mabilis ang proseso ng kanilang paggaling, sapagkat ang pag-asa at matibay na pananalig sa Kanya ang nagsisilbing lakas nila upang mapagtagumayan nila ang kanilang pinagdadaanan. Naiintindihan din kasi ng mga taong may malalim na pananampalaya sa kanya na may dahilan kung bakit nangyari sa kanila ang isang pagsubok o isang di magandang panyayari sa kanilang buhay. Ito ay napatunayan ko sa mga taong nabibigyan ko ng payo, mas madali ang pagtanggap ng mga tunay na Kristiyano sa kung anong hamon ang dumarating sa kanilang buhay, at napapagtagumpayan nila ito, kaysa sa mga taong mababaw ang pananampalataya at maging ang mga taong hindi kumkilala sa Diyos, maraming tanong, at walang katapusang tanong na bakit? Bakit at bakit? Mas madali pa nilang ituon ang pansin sa problema at hindi sa Diyos na tutulong sa kanila at kawalan ng kumpiyansa sa sarili na makakaya nila ito, kung sa tingin man nila ay kaya nila, ay madali silang sumuko rito, dahil sa kanilang paniniwala na kaya nila, ngunit, kapag tumitindi ang hamon, ay nanghihina at madaling mawalan ng pag-asa.

Matutunghayan natin sa ating Ebanghelyo ngayong araw na ito ang isang ama na lumapit sa ating Panginoon na inaalihan ang kanang anak ng demonyo, hindi magawa ng mga alagad na mapalayas ang demonyo, Ngunit, dahil sa pagpupumilit ng ama, ay nagawa ni Jesus na palayasin ang demonyo at gumaling ang bata. Naitanong ng mga alagad kung bakit hindi nila magawa na palayasin ang demonyo. Ang tanging naging sagot ng ating Panginoon ay ang panalangin. Sa panalangin, ay lalo tayong lumalakas, sapagkat lumalapit tayo sa Diyos na siyang tutulong sa atin para maharap natin ang bawat hamong dumarating sa buhay natin, at nagiging kakampi natin siya sa oras ng ating pangangailangan. Sa panalangin, ay naibubuhos natin sa Kanya ang ating mga hinaing at bigat na nararamdaman natin sa bawat hamon ng buhay. Sa panalangin, ay nagiging sandata natin ito upang maging matagumpay tayo sa ating buhay at maging sa ating pakikipaglaban sa kaaway, na siyang nagdudulot sa atin ng kasalanan. At magiging mabisa to kapag nilakipan natin ito ng matibay na pananampalataya sa kanya, katulad ng ipinakita ng ating Panginoon.

Nawa'y taglayin natin sa ating puso at isipan ang pagkakaroon ng ugaling mapanalanginin na may matibay na pananalig sa kanya. Sapagkat sa panalanging may matibay na pananalig, lahat ng unos at mga tukso ay mapaglalaban at mapagtatagumpayan. Dahil nariyan ang Diyos na patuloy na magpapalakas sa atin.

Saturday, February 19, 2011

Makita Ang Diyos Sa Atin (Linggo, Sa Ika-7 Linggo Sa Karaniwang Panahon, Taon A)

"Narinig ninyong sinabi, 'Mata sa mata at ngipin sa ngipin.' Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong paghihigantihan ang masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit panloob, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong damit na pangbalabal. Kung pilitin ka ng manlulupig na pasanin ang kanyang dala ng isang milya, e pasanin mo iyon ng dalawang milya. Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo." "Narinig ninyong sinabi, 'Ibigin mo ang iyong kapwa at kamuhian mo ang iyong kaaway.' Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo'y maging tunay na mga anak ng inyong Ama na nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa mabubuti gayon din sa masasama, at nagpapaulan siya sa mga matuwid at sa mga di-matuwid. "Kung ang mga nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gantimpala ang inyong maaasahan? Hindi ba't ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati, ano ang ginagawa ninyong higit kaysa iba? Hindi ba't ginagawa rin iyan ng mga Hentil? Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit." - Mateo 5:38-48 (ABMBB)


Isa sa mga ugali nating mga Pilipino na talagang kakaiba sa lahat ay ang pagiging gaya-gaya at sinusundan natin ang mga halimbawa ng mga taong nakapaligid sa atin. Ang isa sa halimbawa nito ay ang ating pamilya. Kung anong katangian ang ipinapakita ng magulang sa anak, ay namamana ito ng kanilang anak, na siya namang naipamamana sa kanilang salinlahi. Maging sa mga hinahangaang artista o kilalang tao ay hindi pahuhuli tayong mga pilipino. Hindi lamang nakuntento sa paghanga, kahit ang kilos, pananalita, at pananamit at estilo ay kanlang pilit susundan. Kahit ito pa man ay hindi akma sa kanilang pamumuhay, nawawala na ang kanilang pagkakakilanlan at nagiging luho na ito sa kanilang buhay, ay pilit pa rin nilang papantayan ito. Maging sa mga pauso sa ating panahon ngayon, hindi lamang sa mga gamit o sa mga usong fashion ngayon, kundi maging sa mga bagong pananaw na ipinapakilala sa atin, ay nakikiayon tayo rito. Kahit ito pa man ay may hindi ito magandang kalalabasan sa atin, ay pilit na lang sasang-ayunan natin ito. dahi to ay uso ngayon sa mundo. Kahit na hindi ito pinag-iisipan ng malalim. Ito ay ipinapakita natin kung anong klaseng personalidad tayo, batay sa mga bagay na sinusundan natin, na siyang pagkakakilalnlan sa atin. mabuti man ito o masama.

Mapapakingan natin sa unang pagbasa sa aklat ng Levitico, na aklat ng mga batas ng Israel na ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Moises, na siang itinuro ng mga tao. Sa 613 na batas, ay makikita natin ang pinaka-diwa nito, ang maging banal katulad ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal at pagpapatwad sa kapwa na siyang ginagawa natin sa ating sarili (Levitico 19:1-2;, 17-18). Ang kabanalan na tinutukoy Niya dito ay ang pagtataglay ng kagandahang-loob na kanyang ipinapakita sa lahat ng kanyang nilikha bilang Diyos na nagpapatawad, nagliligtas, nagpapagaling, at nagmamahal, na siyang itinuturo sa ating ng ating Salmong Tugunan (Salmo 103). At sa twing nakikita sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos, ay nagiging tunay na templo Niya tayo, na kung saan, ay nabubuhay at nanahan ang kanyang presensya sa ating buhay, at nakikita ng ating kapwa. Kung kaya, sa bawat pagsasabuhay natin nito, ay dapat makita sa atin ang pagpapakumbaba't kababang loob na siyang ipinayo ni San Pablo sa mga taga Corinto (1 Cor.3:16-23), dahil ang lahat ng ating pagsasabuhay ng mabuting balita ay, para makilala at mahayag ang kabanalan at kaluwalhatian ng Diyos sa atin, at hindi para sa ating pansariling kapakinabangan. Ang pagiging banal ay siyang hamon sa atin ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa ating Ebanghelyo ngayong araw na ito. Ang pagpapakita ng kabanalan ay hindi lamang sa mga taong mabubuti sa atin, kundi maging sa mga taong nakaksamaan natin ng loob, nakakaalitan natin, hindi natin nakakasundo at sa mga taong nanunuya at umaayaw sa atin. Dahil kung paanong ang Diyos ay nagpapatawad at nahahabag, hindi lamang sa atin, at sa mga taong may takot sa kanya, kundi sa lahat, ay magkaroon tayo ng pusong walang pagtatangi at pamimili, dahil ang Diyos ay walang itinatangi, ang lahat ay pantay-pantay ka kanya na kanyang minamahal at ninanais na maligtas at walang mapahamak. Ang hamong ito ng mga pagbasa ngayong Linggo ay ipakita ang larawan ng Diyos sa buhay natin, na siyang nagpapakita na siya ay buhay at patuloy na kumakalinga sa ating lahat na mga anak niya.

Nawa'y palaging makita sa atin ang tunay na kabanalan na siyang tunay na larawan ng ating Panginoon. Upang sa gayo'y makita at mabatid ng lahat ang mapagligtas at mapagkalingang Diyos na nananatili sa atin, na siyang daan ng pakikipagkasundo, kapayapaan at pagmamahalan na magbibigkis sa atin bilang kanyang mga anak. 

Friday, February 18, 2011

Makita ang Kaluwalhatian (Sabado sa Ika-6 Na linggo Sa Karaniwang Panahon)

Pagkaraan ng anim na araw, umakyat si Jesus sa isang mataas na bundok. Wala siyang isinama roon maliban kina Pedro, Santiago at Juan. Habang sila'y naroroon, nakita ng tatlo na nagbago ang anyo ni Jesus. Nagningning sa kaputian ang kanyang kasuotan; walang sinuman sa lupa ang makapagpapaputi nang gayon.  Sinabi ni Pedro kay Jesus, "Guro, mabuti po na nandito kami. Gagawa po kami ng tatlong kubol, isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias."  Nasabi ito ni Pedro sapagkat sila ay takot na takot. Nililiman sila ng makapal na ulap at mula rito'y may isang tinig na nagsabi, "Ito ang pinakamamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!" 8 Nang tumingin sa paligid ang mga alagad, wala na silang ibang nakita maliban kay Jesus Nang sila'y bumababa na mula sa bundok, mahigpit silang pinagbilinan ni Jesus na huwag sasabihin kaninuman ang kanilang nakita hangga't hindi pa muling nabubuhay ang Anak ng Tao. Sinunod nila ang tagubiling ito, ngunit sila'y nagtanungan sa isa't isa kung ano ang kahulugan ng sinabi niyang muling pagkabuhay. At tinanong nila si Jesus, "Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na dapat munang dumating si Elias? Tumugon siya, "Darating nga muna si Elias At nakita rin nila roon si Elias at si Moises na nakikipag-usap kay Jesus.upang ihanda ang lahat ng bagay. Ngunit
bakit sinasabi din sa Kasulatan na ang Anak ng Tao'y hahamakin at magtitiis ng maraming hirap? Subalit sinasabi ko sa inyo, dumating na nga si Elias at ginawa sa kanya ng mga tao ang nais nila, ayon sa nasusulat tungkol sa kanya."- Marcos 9:2-12 (ABMBB)


Nakakatuwang isipin na may mga taong kapag nakakagawa ng mabuti sa kapwa, ay hindi maiwasang masabi han sila na nakikita at nararamdaman nila ang kadakilaan at kabutihan ng Diyos sa kanilang buhay. Ito ay patunay lamang na hindi nila ito ginagawa para lamang sa kanilang sariling kapakanan o para makilala silang maging hangad, kundi ay ang gawin ang kalooban ng Diyos para makilala siya.makikita natin ang kaibahan ng isang taong tunay na nakikita ang Diyos sa buhay niya, kung siya man ay hinahayaang makita ang larawan ng Diyos sa kanyang buhay, at kapag naman ay para lamang makilala siya, ay hindi na ang kaluwalhatian ng Diyos ang nakikita, kundi ang kanyang sariling kaluwalhatian, na hindi nagtatagal.

Matutunghayan natin sa ating mabuting Balita ngayon ang pagbabagong-anyo ni Jesus sa bundok kasama ng kanyang tatlong alagad. Mapapansin natin na biglang naging maputi ang kanyang damit na walang makatatapat sa kaputian. Ito ay tanda ng kanyang pagpapakita ng kanyang kaluwalhatian na ipinagkaloob sa kanya ng Ama. At sila Moises at Elias ay nagpakita sa kanya na sumasagisag sa batas at mga propeta na mga aklat sa lumang tipan, at ipinapakita na si Jesus ang katuparan ng mga kasulatang nasasaad sa batas ni Moises at ng mga Propeta. Ang ulap ay isa sa mga tanda ng presensya ng Diyos at Espiritu ng Diyos na naghayag na si Jesus ang bugtong na anak na kinalulugdan ng Diyos, na dapat pakinggan. Ipinapakita rito na si Jesus ang tunay na larawan ng Diyos at ang kaluwalhatian ng Diyos ay nananahan sa kanya. itinuturo sa atin na maari tayong makita sa atin ang larawan ng Diyos, sa pamamagitan ng ating pagsunod sa Kalooban ng Diyos, na ipinakita ng ating Panginoon.

Nawa'y makita sa ating buhay twina ang kaluwalhatian ng Diyos na patuloy na nananahan sa atin. Sapagkat sa twing nakikita sa atin ang kanyang kaluwalhatian, ay nagiging buhay siya sa pamamagitan ng pagtupad natin sa kanyang kalooban.




Thursday, February 17, 2011

Makiisa Ka! (Biyernes sa Ika-6 Na Linggo Sa Karaniwang Panahon)

 Pinalapit ni Jesus ang mga tao at ang kanyang mga alagad, at sinabi sa kanila, "Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang sinumang nagnanais na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakamit nito. Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay? Kapag ikinahiya ninyo ako at ang aking mga salita sa harap ng mga taksil at makasalanang mga tao sa panahong ito, ikakahiya rin kayo ng Anak ng Tao pagparito niya na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na anghel." Sinabi pa ni Jesus sa kanila, "Tandaan ninyo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga't hindi nila nakikitang makapangyarihang naghahari ang Diyos."  - Marcos 8:-34-9:1 (ABMBB)  

Ang pakikiisa ay isang ugali na nagpapakita ng ating pakikibahagi sa anumang gawain o adikhain ng grupong ating kinabibilangan o ng taong ating sinasamahan. Sa twing tayo'y nakikiisa sa bawat gawain, ay ipinapakita natin na kabahagi tayo sa anumang gawain nito, dahil sa parehong layunin natin at dahil sa pagmamalasakit na ipinapakita natin sa kanila, upang makamit ang ninanais ng ating grupo o ng taong ating kasama. kapag nagtagumpay o nabigo sa sa gawain ang grupo o ng isang tao, ang bawat kasapi na nakiisa rito ay makakabahagi rin sa tagumpay o kabiguan nito. Ang pakikiisa ay nagpapakita rin ng ating pagkakakilanlan kung paano tayo mag-isip at kumilos, batay sa grupong o taong ating sinasamahan. Dahil sa iisang layunin at ninanais ang nagbibigkis sa kanila. 

Mababsa natin sa ating Ebanghelyo ngayong araw ng Biyernes ang mga hinihinging kundisyon ni Jesus sa mga nagnanais maging alagad niya. Ang pagiging tunay na alagad niya ay ang pakikibahagi sa kanyang layunin at ninanais sa buhay. Ang tatlong bagay na kanyang ipinapapansin ay ang pagtanggi sa sarili, pagpasan ng Krus at ang pagsunod sa kanya. Sa pagtanggi sa sarili, ay ang pagsuko sa ating mga sariling kalooban na siyang nagiging hadlang upang hindi makita ang pagkilos ng Diyos sa buhay natin. Dahil ang buhay ni Jesus ay ang pagsunod sa kalooban ng Diyos at pagpapakita ng pagkilos ng Diyos sa buhay niya sa pamamagitan ng kanyang turo at gawa. Ang pagpasan ng Krus ay tanda ng sa bawat pagsunod natin sa kanyang kalooban, ay kaakibat na nito ang mga pagsubok at pag-uusig, dahil sa hindi ganun kadali ang pagsunod sa kanya. Ito ay pagpapakita ng pagtitiis natin dito. At ang pagsunod sa kanya, na tanda ng sa bawat pagsunod at pagtitiis natin sa pagsubok, ay ang pananatili sa kanyang presensya, dahil siya ang magpapalakas sa atin upang harapin at makayanan nating sumunod sa kanya. Ito rin ay tanda ng ating pananatili sa kanya, hindi lamang sa panahong maganda ang kalagayan ng ating buhay, maging ito man sa panahon ng pagsubok, na siyang pagpapakita ng ating katapatan sa kanya. Ngunit, isang bagay ang tiniyak ng ating Panginoon, na sa kabila ng pagtitiyaga at pagtitiis, ay may ipinangako siya sa lahat ng kanyang tunay at tapat na tagasunod, ito yung pangakong buhay na walang hanggan, na siyang ipinakita niya sa kanyang pagiging masunirin hanggang kamatayan, ay itinapok siya ng Diyos at niluwalhati. Tayo rin ay makakatulad niya kapag tayo'y nanatili sa ating pagiging alagad niya.

Nwa'y makita sa atin ang tunay na pakikiisa sa ating Panginoon, sa pamamagitan ng pagsuko ng ating sariling kalooban, pagtitiis sa pagsubok at pananatili sa kanya. Dahil ang lahat ng ito'y may kapalit na pangakong inilaan sa atin, ang buhay na walang hanggan.

Tuesday, February 15, 2011

Nakikilala Sa Pakikipag-ugnayan (Huwebes, sa Ika-6 na Linggo Sa Karaniwang Panahon)

Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nagpunta sa mga nayon ng Cesarea na sakop ng Filipos. Habang sila'y naglalakbay, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin? Sumagot sila,"Ang sabi po ng ilan, kayo daw po si Juan na Tagapagbautismo; sabi naman ng iba, si Elias daw kayo; may nagsasabi ring isa raw kayo sa mga propeta. Ngunit para sa inyo, ano ang masasabi ninyo tungkol sa akin?" tanong niya. Sumagot si Pedro, "Kayo po ang Cristo." "Huwag ninyong sasabihin kaninuman kung sino ako," mahigpit na utos niya sa kanila. Mula noon, ipinaalam na ni Jesus sa mga alagad ang mangyayari sa kanya. Sinabi niya, "Ang Anak ng Tao ay dapat magdanas ng matinding hirap. Siya'y itatakwil ng mga pinuno ng bayan, ng mga punong pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y ipapapatay ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw." Hayagang sinabi niya ito sa kanila at dahil dito'y dinala siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagalitan. Ngunit tumalikod si Jesus, tumingin sa mga alagad, at sinabi kay Pedro, "Umalis ka sa harap ko, Satanas! Ang iniisip mo'y hindi galing sa Diyos kundi sa tao."- Marcos 8:27-33 (AMBB)
 
 
Gaano mo ako kakilala? Ito ang isa sa hamon sa amin ng aming naging retreat master sa isang recollection na dinaluhan ko. pPro hindi ito namin malalaman sa pamamagitan ng pagsasabi sa amin ng aming mga kaibigan at kakilala, kundi sa pamamagitan ng isang papel na nakadikit sa aming likod. Doon namin isusulat sa papel kung anong ugali ang aming nakikita sa taong susulatan namin. Nakakatuwa ang naging activity na iyon, marami ang nagsulat sa likod ko, at marami rin akong sinulatan. Pagkatapos ng activity na iyon, ay nabasa namin ang mga sinulat sa aming likod. Hindi na ako nagulat na may ilan na nagsulat sa akin na ako raw ay seryosong tao, at mukhang suplado. Pero, may mga taong malapit sa akin (na na-trace ko sa kanilang penmanship), ang nagsabing approachable, nice, smiling face and very happy person. Nakakatuwang isipin na madalas ay nabibigay tayo ng palagay sa isang tao, batay sa ating nakikita sa kanya, kahit ito ay mababaw na pagkakilala o nakilala lang natin sa unang pagkakataon pa lamang. Minsan nga, may nabasa akong comment sa facebook na sinabi niya na natawa siya sa comment ko sa isang picture ng kaibigan ko. Akala niya ay napakaseryoso kong tao. Minsan, kapag nakasama natin ang isang tao nang matagal at lubusan, ay dun lamang natin nakikita ang tunay biyang katauhan, at ang bakit siya ganun mag-isip at kumilos. At unti-unting nawawala ang ating mali o mababaw na pagkakilala sa kanya.
 
Matutunghayan natin sa ating Ebanghelyo ngayong araw na ito ang pagtatanong ni Jesus kung sino siya ayon sa iba. Sinabi nila na siya'y si Juan bautista, si Elias, at ang mga propeta. Ngunit, tinanong niya kung sino siya para sa kanila. Sinabi ni Pedro na siya ang Cristo (Hinirang) ang anak ng Diyos. At ibilin niya na huwag itong sabihin agad, dahil sa hindi pa natatapos ang kanyang misyon na siyang matinding patunay ng kanyang pagiging anak ng Diyos, sa pamamagitan ng kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay, na siyang katuparan sa hula ng mga propeta at ang kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos na iligtas ang lahat ng tao. Dahil dito, ay sinabi ni Pedro na hindi dapat mangyari sa kanya ang bagay na iyon, na waring nagpapakita siya ng pagmamalasakit sa kanya. Ngunit sinaway siya ng ating Panginoon, dahil ang mukhang pagpapakita ng kanyang pagmamalasakit, ay pagpapakita ng pag-iwas sa kalooban ng ating Diyos na akuin ang pagkakasala ng tao sa pamamagitan ng kanyang pagpapakasakit at pagkamatay, at hindi dapat danasin ito ng ating Panginoon. Itong tanong ni Jesus sa atin ay isang hamon din sa atin kung gaano natin siya kakilala nang lubusan? Sino ba siya sa buhay natin? Lumalalim ba at nakikilala ba natin siya nang lubusan mula nang tanggapin natin siya sa ating buhay at sumunod sa kanya?
 
Nawa'y maging isang hamon sa ating lahat ang tanong ni Jesus sa ating mga alagad. Sa ating sagot sa kanya, ay doon lamang natin malalaman kung gaano natin siya kakilala. Sapagkat ito'y magsisilbing sukatan kung gaano natin siya kamahal at ano bang klaseng pagsunod ang ipinapakita natin sa kanya. 

Monday, February 14, 2011

Bigyang Linaw ang Lahat (Miyerkules, sa Ika-6 Na Linggo sa Karaniwang Panahon)

"Dumating si Jesus at ang kanyang mga alagad sa Betsaida. Dinala kay Jesus ng ilan tao ang isang bulag at ipinamanhik na hipuin ito. Inakay niya ito sa labas ng bayan, niluran sa mga mata at saka ipinatong ang kanyang mga kamay. 'May nakikita ka na bang anuman?' tanong niya. Tumingin ang lalaki at ang wika, 'Nakakakita po ako ng mga taong lumalakad, ngunit para silang punongkahoy.' Muling hinipo ni Jesus ang mga mata ng bulag, ito'y tuminging mabuti. nanumbalik ang kanyang paningin at malinaw na niyang nakita ang lahat. Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Umiwi ka na. Huwag ka nang dumaan sa bayan.' " - Marcos 8:22-26 (MBB)


Itinanong nung paring nagmisa sa amin sa isang recollection sa Tagaytay kung bakit dalawa ang ating mga mata? Nasabi niya na kaya dalawa ang ating mga mata ay upang makita natin ng buong linaw ang mga dapat makita natin sa ating paligid. Kapag tinakpan natin ang isang bahagi ng ating mga mata, ay makikita lamang natin ang bahaging nakikita ng aing mata, at hindi natin nakikita ang natatakpang bahagi nito. Kung paanong ang dalawang mata ay nakikita nito ang buong nangyayari sa ating paligid, gayun din dapat ang pagtingin natin sa bawat sitwasyon ng ating buhay. Ang halimbawa nito ay sa panahon ng tukso. Kapag titingnan natin ang tukso, sa paningin ay mukhang maganda, masarap at kaakit-akit, ngunit kapag pinatulan natin ito, at hindi natin nakita ang masamang idudulot nito sa buhay natin, ay maghahatid ito sa atin sa kapahamakan, hindi lamang sa ating sarili, kundi maging sa mga taong nakapaligid sa atin. Maging sa panahon ng pagsubok, kung titingnan lamang natin ito na isang pahirap sa buhay natin, ay hindi natin hinahayaan ang ating sarili na makita ang ating mga natatagong kakayahan na maaring makita natin sa pagharap nito, at ang Diyos na patuloy na kumikilos sa atin na siyang tanda ng kanyang presensya sa atin. Sabi nga ng aking nanay, ay dapat marunong ang tumingin ng balanse sa bawat sitwasyon o pagkakataon sa buhay natin.

Matutunghayan natin sa ating Ebanghelyo sa araw na ito, ay may dinalang isang lalaking bulag na dinala kay Jesus upang makakita. Nang hinipo ni Jesus ang mata ng bulag, ay itinanong niya kung nakakakkita na ba siya. nasabi niya na may nakikita siya, ngunit malabo, dahil ang mga taong naglalakad ay parang mga punongkahoy. At muling hinipo ni Jesus ang kanyang mga mata, at sa wakas, ay muli siyang nakakita. Ito ay pagpapakita sa atin ng ating Panginoon sa pamamagitan ng lalaking bulag ay humingi tayo palagi ng tulong sa Panginoon na makita natin nang buong linaw ang dapat makita sa ating paligid, at hindi yung mga bagay na sa maari ay mukhang malinaw, ngunit sa katotohanan, ay malabo at hindi natin hinahayaang makita ang kabuuan nito. na siyang nagpapabulag sa ating mga sarili at maghatid sa atin sa kapahamakan.

Nawa'y palagi nating hilingin sa Diyos na makita natin nang malinaw at buo ang mga bagay at hamong dumarating sa ating buhay. Nang sa gayo'y makita natin ang kabuuan nito at makapagpasya tayo ng mabuti na siyang maghahatid sa atin sa tamang landas na ninanais ng ating Diyos na ating lakaran araw-araw.


 
   

Maging Malinis (Martes sa Ika-6 Na Linggo Sa Karaniwang Panahon)

"Nalimutan ng mga alagad na magdala ng tinapay, at iisa lang ang kanilang tinapay sa bangka. 'Kaiingat kayo! Ilagan ninyo ang lebadura ng mga Pariseo at ang Lebadura ni Herodes," babala ni Jesus sa kanila Nag-usap-usap ang mga alagad, 'Wala kasi tayong dalang tinapay kaya sinabi niya iyon.' Aam ito ni Jesus, kaya't tinanong niya sila, 'Bakit ninyo pinag-uusapan na kayo'y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakababatid o nakauunawa? Hindi pa ba ito abot ng inyong isip? Wala ba kayong mata? Wala ba kayong tainga? Nakalimutan na ba ninyo nang pagpira-pirasuhin ko ang limang tinapay para sa 5,000? Ilang bakol ang napuno ninyo sa lumabis na tinapay?' 'Labindalawa po,' tugon nila. 'At nang pagpira-pirasuhin ko ang pitong tinapay para sa 4,000, ilang bakol na malalaki ang napuno ninyo?' tanong niya. 'Pitong Bakol po,' tugon nila. 'At hindi pa rin ninyo nauunawaan? wika niya." - Marcos 8:14-21 (MBB)


 Napakahirap magpakabuti sa mundo ngayon. Sa twing tayo'y gumagawa ng mabuti, hindi natin maiwasan na may mga taong patuloy na nag-iimpluwensya sa atin na sumabay sa takbo ng mundo, kahit na ito'y magbubunga ng masama o magdudulot sa atin ng kapahamakan o kapighatian, dahil ito'y naging kalakaran na ng ating mundo. Naalala ko tuloy nung nag-aaral ako ng aking unang kurso sa kolehiyo. Lahat ng aking mga kabarkadang kaklase ay naninigarilyo, at ako lamang sa grupo ang hindi naninigarilyo. Upang mahikayat nila akong manigarilyo, ay ipinakita sa akin na nakakatulong ito para mabawasan ang tensyon na kanilang nararanasan. Dahil mabilis akong makaramdam ng nerbyos. Narito na nagkwento pa sila isang kakatawang kwento, na kung yung isang kasama namin ay nakidnap, at ang tanging paraan upang matubos siya, ay mangarilyo ako. Nasabi ko na kaya nandudukot ang isang tao, ay may kapalit ito na mahalagang bagay na kanilang kailangan, at ang paninigarilyo ay hindi katulad ng salapi o mahalagang bagay na mapapala ng isang nandudukot. Nasabi ko sa huli na, kung talagang itinuturing ninyo akong kaibigan, ay matuto kayong gumalang sa pasya ng iba. Kung talagang kaibigan ninyo ako, ay nararapat lamang na maging mabuting impluwensya kayo sa iba, sapagkat, anuman ang idulot ninyo sa kanila, mabuti man o masama, ay  tayo ang may kagagawan nito, at itinutulak natin sila na maging mabuti o masama. At mula noon, ay hindi na nila ako napilit na gumawa ng bagay na labag sa prinsipyo ko. 

Madalas ay naiimpluwensyahan tayo ng ating mga naririnig sa ating mga kaibigan, sa media at sa kung ano ang ipinapakilala ng ating lipunan. Kahit na iyo'y labag sa kaloban ng Diyos, ay pikit mata nating tinatanggap ito. At upang maging "in" at hindi tayo palaging maging "out" sa ating grupo, ay tinatanggap na lang natin ito, kahit labag na ito sa ating mga natutunan. At sa bandang huli, ay tayo rin ang nahihirapan dito, dahil sa mga maling paniniwala na natutunan at tinaggap natin sa iba. 

Matutunghayan natin sa ating Mabuting Balita sa araw na ito ang pagtuturo ni Jesus sa kanyang mga alagad tungkol sa lebadura ng mga Pariseo at ni Herodes. Dahil sa iisa lang ang dala nilang tinapay, ay inakala nila na kaya ito nasabi ng ating Panginon ay dail sa kulang pa ito sa kanila at hindi bumili ng pagkaing sasapat sa kanila. Ngunit, pinabulaanan ito ng ating Panginoon. Itinuro niya na maging maingat sila sa mga taong nakapaligid sa kanila na maaring mag-impluwensya sa kanila na maging masama at magtulak sa kanila sa kapalaluan at kapahamakan. Pinapag-ingat niya sila sa mga Pariseo, sapagkat dahil sa kanilang pagiging mapagpaimbabaw, na sa halip na makita ang pag-ibig ng Diyos dahil sa kanilang nalalaman sa mga batas ni Moises, ay nagiging daan ito upang maging angat sila sa iba, na nagtutulak sa kanila upang maging makasarili at magtangi sa iba, tulad ng mga aba. Pinapag-ingat niya sila kay Herodes, na dahil sa pagiging makasarili, at pagiging mapaghangad, ay nagtulak sa kanya sa matinding kahihiyan sa paningin ng lahat ng tao. Ayaw ni Jesus na mangyari ito sa kanila, sapagkat ninanais niya na magdulot sila ng mabuting impluwensya sa lahat ng tao, upang ang sila ay maging daan ng kaligtasan at kapanatagan sa lahat, sa pamamagitan ng  kanilang mga paniniwalang kanilang ibinabahagi. Kung paanong ang tinapay na may lebadura ay nagpapalsa sa tinapay, ay ninanais ni Jesus na piliin natin ang mga mabuting bagay na dapat nating gawin, at iwasan ang mga bagay na magdudulot sa atin ng kapahamakan at ng ating kapwa. Upang sa huli, ay madatnan niya tayong malinis at walang dungis sa pagdating ng panahong ipagsusulit natin ang lahat ng ating mga ginawa sa kanya. 

Nawa'y palagi nating piliin ang mga bagay na magdudulot sa atin ng kabutihan, at layuan ang mga bagay na magdudulot sa atin ng kapahamakan. Upang sa gayo'y hindi lamang nadudulutan natin ang ating sarili ng kaigtasan, kundi maging ang mga taong nakapaligid sa atin na siyang binabahaginan natin ng ating paniniwala.