Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 'Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos. Narinig ninyo na noong una'y iniutos sa mga tao, 'Huwag kang papatay; ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman.' Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: ang mapoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman. Narinig ninyo na noong una'y iniutos sa mga tao, 'Huwag kang makikiapid.' Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: ang sinumang tumingin nang may mahalay na pagnanasa sa isang babae, sa isip niya'y nakikiapid na siya sa babaing iyon. Narinig pa ninyo na noong una'y iniutos sa mga tao, 'Huwag kang sisra sa iyong pinanumpaang pangako bagkus ay tupdin mo ang iyong sinumpaan sa Panginoon.' Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong susumpa kung nangangako kayo. Sabihin mo lang kung 'Oo' kung oo at 'Hindi' kung hindi; sapagkat buhat na sa masama ang anumang sumpang idaragdag dito.' - Mateo 5:20-22a, 27-28, 33-34a, 37 (MBB)
Bago tayo sumali sa isang organisasyon o maging sa kumpanyang ating papasukan, ay ipinapaalam sa atin ang mga batas at patakaran na dapat sundin, upang maging maayos ang sistema at takbo ng bawat gawain ng isang organisasyon o kumpanya. Naalala ko ang isa sa mga members namin ng LCM (Lectors and Commentator's
Matutunghayan natin sa Ebanghelyo ngayong araw ng Linggo ang pagtuturo ni Jesus sa kanyang mga alagad ang ng Batas na itinatagutod ng mga Pariseo't eskriba. Kung babasahin natin ng buo ito (Mateo 5:17-37 kaysa sa painaiking ebanghelyong ginamit ko), ay isinasaad ni Jesus na ang kanyang pagparito ay hindi upang ipawalang-kabuluhan ito, kundi ay upang ituro nang ganap at kumpleto kung ano ba talaga ang batas na dapat nilang sundin upang maging kalugud-lugod sa Diyos. Sapagkat hindi itinuturo ng mga Pariseo at eskriba ang kabuuan ng mga batas na ito, at maging sila man ay hindi nakakaunawa nito. Dahil sa bawat batas na ito, ay may nakakabit ding ibang batas upang masunod nila ang mga ito nang mabuti at maunawaan kung bakit ito ipinagbabawal at hinhimok na ito ang dapat nilang gawin. Ang halimbawang ibinigay niya rito ay ang mga ugat ng pagkakasala na siyang nagtutulak sa tao upang gumawa ng paglabag dito. Ang mga masasamang nasa at pag-iisip na siyang nagiging dahilan ng paglabag ang binigyang diin niya upang maunawaang mabuti kung bakit dapat masunod ang mga ito. Hinahamon niya tayong tingnan natin nang buo at alamin ang tunay na diwa ng batas na ito, bakit ito ipinagbabawal at bakit ipinahihintulot, hindi ang pagtingin sa mababaw na aspeto nito na batay lamang sa titik at hindi inaalam ang dulot nito sa atin. Dahil ang bawat batas na inilagay ng Diyos ay para sa ating kapakanan na huwag tayong mapahamak at maging mabuti at maayos ang buhay natin. Ito rin ang hamon sa atin ni Propeta Isaias sa unang pagbasa na kung nagpasya tayong susunod sa kanyang mga utos, ay sumunod tayo ng buo, at hindi yung kung ano ang ang aayon sa ating kagustuhan lamang. Sapagkat sa bawat pagpapasya natin kung susunod tayo o hindi, ay tayo na rin mismo ang nagtatakda sa ating sarili kung tayo'y maliligtas o mapapahamak. Kung kaya sa minamahal ng mga lingkod ng Diyos noong una ang batas ng Diyos, sapagkat sa bawat pagsunod dito ay buhay ang kahahantungan. Kung kaya iniingatan nilang sundin ito, na siyang nilalaman ng ating Salmong tugunan. At sa wakas, ay nahayag sa ating lahat ang hiwagang ito na siyang planong pag-ibig ng Diyos na kanyang pinanukala noon pa man bago nilikha, at hindi naunawaan noong una, at ipinaunawa ito sa kanila at sa atin sa pamamagitan ni cristo, na siyang naghayag sa atin ng batas ng Diyos, hindi isang batas na para sundin lamang, kundi ang batas na ang layunin ay iparamdam ng Diyos sa tao ang kanyang pagmamalasakit sa atin, ang pagnanais niyang magkaroon tayo ng buhay na ganap at malayo sa kapahamakan.
Nawa'y sa araw na ito na patuloy nating alamin at unawain nang ganap ang kalooban ng Diyos na patuloy niyang inihahayag sa atin. Nang sa gayo'y manatiling maayos at masagana ang buhay natin, na siyang hinahangad ng Diyos sa lahat ng kanyang nilikha.
No comments:
Post a Comment