"Nang maisagawa nila ang lahat ng bagay ayon sa kautusan, bumalik na sila sa kanyang bayan sa Galilea. Ang bata'y lumaking malakas, marunong at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos." - Lucas 2:39-40 (MBB)
Isang comercial na tumatak sa aking isip nung ako'y musmos pa ay ang pinauso ng isang sikat na kumpanya sa ating bansa, ay ang "Sa paningin ng bata, ay nagiging ama pag ginagawa ng isang mas nakatatanda." Ang anumang ginawa ng matanda, ay siyang tinutularan ng bata dahil sa paningin nito ay normal at tama ito bilang isang halimbawa na kanilang tinitingnan. Ang isa sa halimbawang nakita ko at naranasan ko ay ang iminulat ako ng aking lolo sa pagiging mabuting Katoliko nung msmos pa ako. Kahit malikot ako sa pag isinasama niya ako sa simbahan at gabi-gabing pagrorosaryo namin, ay pinagtitiyagaan niya akong isama sa mga ganitong gawain. Ipinakita niya sa akin at itinuro kung paano maging mabuting Kristiyano di lamang sa pagbabasa ng Bibliya, kundi ay sa pagpapakita nya kung paano maglingkod, lalo na sa simbahan at ang pagtuturo niya sa akin tungkol sa Bibliya, kagandahang asal, at maging sa kanyang karanasan na siyang nagpatibay sa kanyang pagiging Kristiyano. Ito ang maingat niyang naisalin sa akin at siyang naging bahagi ng buhay ko. At ito ay nagbunga sa akin ng katatagan, kalakasan at kagalakan sa paglilingkod sa kanya na siyang ibinabahagi ko rin sa iba at nahubog sa akin upang maging mabuti sa iba at kapaki-pakinabang. Matutunghayan natin sa ating Ebanghelyo sa araw na to ang paghahandog kay Jesus sa Templo ngayong araw na ito. Dinala si Jesus ng kanyang magulang sa Templo upang ihandog siya, bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos na nasasaad sa kautusan ni Moises na itatalaga sa Diyos ang lahat ng panganay o ang kanilang unang anak. Mapapasin natin ang pagsunod nila Sta. Maria at San Jose sa kaloban ng Diyos, na siyang nakita ng ating Panginoon sa kanyang paglaki. Bagaman si Jesus ay ang mesiyas na ipinangako ng Diyos sa kanyang bayan at alam ito nila Maria at Jose, ay inihandog pa rin nila si Jesus, dahil tungkulin ito ng mga magulang na ituro sa bata ang pagkakaroon ng takot sa Diyos. At dahil sa pagpapamalas nila ng ng mabuting halimbawa kay Jesus, ito ay nagbunga ng pagkakaroon ng lakas, karunungan at pagiging kalugud-lugod sa Diyos na siyang dala niya sa kanyang paglaki. Itinuturo sa atin ang pagtuturo sa mga kabataan at maging sa ating mga anak ang pagkakaroon ng takot sa Diyos na siyang susi ng kapayapaan at katiwasayan sa ating pamilya, pamayanan at bansa. Nawa'y maituro at maipakita natin sa taing mga anak at kabataan ang pagkakaroon takot sa Diyos na siyang dapat nilang malaman. Nang sa gayo'y malaman nila ang tamang daan na siyang dapat lakaran na ninananis sa atin ng ating Panginoon, maisalin din nila sa susunod na salinlahi upang sa gayo'y magpatuloy ang maka-amang paghahari ng Diyos sa mundo.
No comments:
Post a Comment