Pagkaraan ng anim na araw, umakyat si Jesus sa isang mataas na bundok. Wala siyang isinama roon maliban kina Pedro, Santiago at Juan. Habang sila'y naroroon, nakita ng tatlo na nagbago ang anyo ni Jesus. Nagningning sa kaputian ang kanyang kasuotan; walang sinuman sa lupa ang makapagpapaputi nang gayon. Sinabi ni Pedro kay Jesus, "Guro, mabuti po na nandito kami. Gagawa po kami ng tatlong kubol, isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias." Nasabi ito ni Pedro sapagkat sila ay takot na takot. Nililiman sila ng makapal na ulap at mula rito'y may isang tinig na nagsabi, "Ito ang pinakamamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!" 8 Nang tumingin sa paligid ang mga alagad, wala na silang ibang nakita maliban kay Jesus Nang sila'y bumababa na mula sa bundok, mahigpit silang pinagbilinan ni Jesus na huwag sasabihin kaninuman ang kanilang nakita hangga't hindi pa muling nabubuhay ang Anak ng Tao. Sinunod nila ang tagubiling ito, ngunit sila'y nagtanungan sa isa't isa kung ano ang kahulugan ng sinabi niyang muling pagkabuhay. At tinanong nila si Jesus, "Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na dapat munang dumating si Elias? Tumugon siya, "Darating nga muna si Elias At nakita rin nila roon si Elias at si Moises na nakikipag-usap kay Jesus.upang ihanda ang lahat ng bagay. Ngunit
bakit sinasabi din sa Kasulatan na ang Anak ng Tao'y hahamakin at magtitiis ng maraming hirap? Subalit sinasabi ko sa inyo, dumating na nga si Elias at ginawa sa kanya ng mga tao ang nais nila, ayon sa nasusulat tungkol sa kanya."- Marcos 9:2-12 (ABMBB)
Nakakatuwang isipin na may mga taong kapag nakakagawa ng mabuti sa kapwa, ay hindi maiwasang masabi han sila na nakikita at nararamdaman nila ang kadakilaan at kabutihan ng Diyos sa kanilang buhay. Ito ay patunay lamang na hindi nila ito ginagawa para lamang sa kanilang sariling kapakanan o para makilala silang maging hangad, kundi ay ang gawin ang kalooban ng Diyos para makilala siya.makikita natin ang kaibahan ng isang taong tunay na nakikita ang Diyos sa buhay niya, kung siya man ay hinahayaang makita ang larawan ng Diyos sa kanyang buhay, at kapag naman ay para lamang makilala siya, ay hindi na ang kaluwalhatian ng Diyos ang nakikita, kundi ang kanyang sariling kaluwalhatian, na hindi nagtatagal.
Matutunghayan natin sa ating mabuting Balita ngayon ang pagbabagong-anyo ni Jesus sa bundok kasama ng kanyang tatlong alagad. Mapapansin natin na biglang naging maputi ang kanyang damit na walang makatatapat sa kaputian. Ito ay tanda ng kanyang pagpapakita ng kanyang kaluwalhatian na ipinagkaloob sa kanya ng Ama. At sila Moises at Elias ay nagpakita sa kanya na sumasagisag sa batas at mga propeta na mga aklat sa lumang tipan, at ipinapakita na si Jesus ang katuparan ng mga kasulatang nasasaad sa batas ni Moises at ng mga Propeta. Ang ulap ay isa sa mga tanda ng presensya ng Diyos at Espiritu ng Diyos na naghayag na si Jesus ang bugtong na anak na kinalulugdan ng Diyos, na dapat pakinggan. Ipinapakita rito na si Jesus ang tunay na larawan ng Diyos at ang kaluwalhatian ng Diyos ay nananahan sa kanya. itinuturo sa atin na maari tayong makita sa atin ang larawan ng Diyos, sa pamamagitan ng ating pagsunod sa Kalooban ng Diyos, na ipinakita ng ating Panginoon.
Nawa'y makita sa ating buhay twina ang kaluwalhatian ng Diyos na patuloy na nananahan sa atin. Sapagkat sa twing nakikita sa atin ang kanyang kaluwalhatian, ay nagiging buhay siya sa pamamagitan ng pagtupad natin sa kanyang kalooban.
No comments:
Post a Comment