Nang magbalik sila, naratnan nila ang ibang mga alagad na napapaligiran ng napakaraming tao gayundin ng mga tagapagturo ng Kautusan na nakikipagtalo sa kanila. Nang makita si Jesus ng mga tao, nagulat sila at patakbo nilang sinalubong upang batiin si Jesus. Tinanong ni Jesus ang kanyang mga alagad, "Ano ang inyong pinagtatalunan?" Sumagot ang isa mula sa karamihan, "Guro, dinala ko po rito sa inyo ang aking anak na lalaki dahil siya'y sinasapian ng masamang espiritu at hindi makapagsalita. Tuwing siya'y sinasapian nito, siya'y ibinubuwal; bumubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang kanyang mga ngipin, at siya'y naninigas. Hiniling ko po sa inyong mga alagad na palayasin nila ang masamang espiritu ngunit hindi nila ito mapalayas." Sinabi ni Jesus sa kanila, "Lahing walang pananampalataya! Hanggang kailan pa ba ako mananatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!" Dinala nga nila ang bata sa kanya. Nang si Jesus ay makita ng espiritu, biglang pinapangisay nito ang bata. Ang bata'y natumba sa lupa at gumulung-gulong na bumubula ang bibig. "Kailan pa siya nagkaganyan?" tanong ni Jesus sa ama." Simula pa po noong bata siya!" tugon niya. "Gusto po siyang patayin ng masamang espiritu. Madalas inihahagis po siya nito sa apoy at itinatapon siya sa tubig. Subalit kung may magagawa kayo, kami po ay kaawaan at tulungan ninyo." "Kung may magagawa ako?" tanong ni Jesus. "Mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya." Agad namang sumagot ang ama ng bata, "Naniniwala po ako! Tulungan po ninyo akong madagdagan pa ang aking pananampalataya." Nang makita ni Jesus na dumadami ang mga tao, sinabi niya sa masamang espiritu, "Inuutusan kita, espiritu ng pagkapipi at pagkabingi, lumabas ka sa bata at huwag ka nang babalik sa kanya!" Nagsisigaw ang masamang espiritu, pinangisay ang bata at saka lumabas. Nagmistulang bangkay ang bata kaya't sinabi ng marami, "Patay na siya!" Ngunit ang bata'y hinawakan ni Jesus sa kamay, ibinangon, at ito'y tumayo. Nang pumasok si Jesus sa bahay, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, "Bakit po hindi namin napalayas ang masamang espiritung iyon?" Sumagot si Jesus, "Mapapalayas lamang ang ganitong uri ng espiritu sa pamamagitan ng panalangin." - Marcos 9:14-29 (ABMBB)
Minsan ay may nasabi sa akin ang isa kong kaibigang psychologist na mas mabilis na maka-recover sa isang traumatic experience ang isang may taong may malalim na pananampalataya sa Diyos kaysa sa isang may mababaw o walang kinikilalang Diyos. At totoo nga ito, dahil sa isa sa mga dahilan kung bakit mabilis ang proseso ng kanilang paggaling, sapagkat ang pag-asa at matibay na pananalig sa Kanya ang nagsisilbing lakas nila upang mapagtagumayan nila ang kanilang pinagdadaanan. Naiintindihan din kasi ng mga taong may malalim na pananampalaya sa kanya na may dahilan kung bakit nangyari sa kanila ang isang pagsubok o isang di magandang panyayari sa kanilang buhay. Ito ay napatunayan ko sa mga taong nabibigyan ko ng payo, mas madali ang pagtanggap ng mga tunay na Kristiyano sa kung anong hamon ang dumarating sa kanilang buhay, at napapagtagumpayan nila ito, kaysa sa mga taong mababaw ang pananampalataya at maging ang mga taong hindi kumkilala sa Diyos, maraming tanong, at walang katapusang tanong na bakit? Bakit at bakit? Mas madali pa nilang ituon ang pansin sa problema at hindi sa Diyos na tutulong sa kanila at kawalan ng kumpiyansa sa sarili na makakaya nila ito, kung sa tingin man nila ay kaya nila, ay madali silang sumuko rito, dahil sa kanilang paniniwala na kaya nila, ngunit, kapag tumitindi ang hamon, ay nanghihina at madaling mawalan ng pag-asa.
Matutunghayan natin sa ating Ebanghelyo ngayong araw na ito ang isang ama na lumapit sa ating Panginoon na inaalihan ang kanang anak ng demonyo, hindi magawa ng mga alagad na mapalayas ang demonyo, Ngunit, dahil sa pagpupumilit ng ama, ay nagawa ni Jesus na palayasin ang demonyo at gumaling ang bata. Naitanong ng mga alagad kung bakit hindi nila magawa na palayasin ang demonyo. Ang tanging naging sagot ng ating Panginoon ay ang panalangin. Sa panalangin, ay lalo tayong lumalakas, sapagkat lumalapit tayo sa Diyos na siyang tutulong sa atin para maharap natin ang bawat hamong dumarating sa buhay natin, at nagiging kakampi natin siya sa oras ng ating pangangailangan. Sa panalangin, ay naibubuhos natin sa Kanya ang ating mga hinaing at bigat na nararamdaman natin sa bawat hamon ng buhay. Sa panalangin, ay nagiging sandata natin ito upang maging matagumpay tayo sa ating buhay at maging sa ating pakikipaglaban sa kaaway, na siyang nagdudulot sa atin ng kasalanan. At magiging mabisa to kapag nilakipan natin ito ng matibay na pananampalataya sa kanya, katulad ng ipinakita ng ating Panginoon.
Nawa'y taglayin natin sa ating puso at isipan ang pagkakaroon ng ugaling mapanalanginin na may matibay na pananalig sa kanya. Sapagkat sa panalanging may matibay na pananalig, lahat ng unos at mga tukso ay mapaglalaban at mapagtatagumpayan. Dahil nariyan ang Diyos na patuloy na magpapalakas sa atin.

No comments:
Post a Comment