Thursday, February 10, 2011

Makiramdam Ka! (Lunes sa Ika-6 Linggo sa Karaniwang Panahon, Taon I)

"May dumating na mga Pariseo't Eskriba at nakipagtalo kay Jesus. Ibig nilang masilo siya, kaya hiningi nila na magpakita ng isang tanda mula sa langit. Napabuntong hininga nang malalim si Jesus at ang wika, 'Bakit naghahanap ng tanda ang lahing ito? Sinasabi ko sa inyo: hindi sila pagpapakitaan ng anumang tanda.' Iniwan niya sila at pagsakay sa bangka ay tumawid sa ibayo." - Marcos 8:11-13 (MBB)


Magugustuhan ba niya ako? Ito ang tanong sa akin ng isa kong kalaseng lalaki na may pagtingin sa isa kong kaklaseng babae na kaibigan ko. Nasabi ko na siya lamang ang makasasagot niyan, dahil siya naman ang nanliligaw. Nasabi niya sa akin na ipagdasal ko na bigyan siya ng sign kung magiging sila ba ng kaibigan ko. Nasabi ko na oo at ipagdadasal ko siya, ngunit, matuto rin dapat siyang makiramdam at alamin ang mga visible signs kung talaga bang may gusto ang kaibigan kong babae sa iyo o wala. Ngayon, kung pumayag siyang makipagkaibigan sa iyo, ay may pagkakataong pwede maging kayo o hindi, batay sa katangiang ipinapakita mo sa kanya, kung pakipot siya sa iyo, malaki ang chance na may gusto siya sa iyo, gusto lang niyang makita kung gaano ka kaseryoso sa kanya, at kung ayaw niya, ay irespeto mo na lang ang kanyang kagustuhan. magagawa mo lang ito kung sisimulan mong makipagkaibigan sa kanya, at hindi lang sa puro dasal na hindi mo naman sinusubukan. At dahil sa pagtitiyaga niya, ay naging sila ng kaibigan ko.
Kadalasan, ganyan tayo, para mapatunayan kung talagang para sa atin ang isang bagay, ay humihingi tayo ng mga kakaibang tanda o signs para malaman natin kung talagang ito ay para sa atin. nang hindi man lang natin tinitingnan nang mabuti ang mga pangyayaring nakikita natin na siyang nagpapakilala kung umaayon sa atin ang ating hinihingi. Sabi nga ni Bo Sanchez, isang tanyag na Charismatic Preacher, "Hindi masamang humingi ng mga extraordinary signs, dahil napatunayan na talagang epektibo ito, ngunit, dapat nating mas tingan ang mga visible signs na nakikita natin, upang sa gayon, sa bawat pagpili natin, ay hindi ito maghatid sa atin sa kapahamakan."

Ipinapakita sa atin ng ating Ebanghelyo sa araw na ito ang mga Pariseo't eskriba na matapos makipagtalo kay Jesus, ay humingi sila ng tanda mula sa langit upang siluin siya. Napabuntong hininga si Jesus dahil bakit sila humihingi ng tanda mula sa langit. Ito ay pagpapakita niya sa mga tao ng kanilang kawalang tiwala sa kanyang pagiging tagapagligtas nila. Dahil sa sarado ang isip ng mga Pariseo't eskriba, at ayaw nilang tanggapin na si Jesus, ang tagapagligtas na ipinangako ng Diyos sa kanila. Kung kaya, humingi sila ng tanda upang subukin siya. Kung kaya, nalungkot ang ating Panginoon dahil sa kanilang kawalang pananampalataya. Dahil si jesus mismo ang tanda ng prsensya ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang mga himala, pagtuturo at pag-abot sa mga aba, na siyang larawan ng pagpapakita ng mapagmahal na presensya ng Diyos sa bawat isa. Bagay hindi tinanggap ng mga taong ayaw siyang paniwalaan. dahil  sa kanilang katigasan ng puso. Ito ay nagtuturo sa atin na patuloy nating buksan ang ating mga isip sa bawat pagkakataong ipinaparamdam sa atin ng Diyos ang kanyang pagmamahal. Upang patuloy nating maranasan at mapatunayan na siya ay laging kasama natin, lalo na sa gitna ng mga problema.

Ngayon ay araw ng mga puso, araw ng pagmamahalan. Nawa'y sa araw na ito, ay madama natin ang pag-ibig ng Diyos na patuloy na nararanasan natin sa bawat araw. Upang sa gayon, ang kanyang pagmamahal ang magpatibay sa ating pananampalataya na lagi natin siyang kasama, anuman ang hamon na ating haharapin, saan man tayo makarating.

No comments:

Post a Comment