"Pagkatapos ay umahon si Jesus sa kaburulan, kasama ang kanyang pinili. Humirang siya ng labingdalawa [na tinawag niyang mga apostol] upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral, at bgayang kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo." - Marcos 3:13-15 (MBB)
Isa sa mga naging talakayan namin sa aming Bible Study ay tungkol sa aming mga karanasan namin sa aming paglilingkod sa aming komunidad. Di namin maiwasan na mapag-usapan ang mga kapatid naming naglilingkod din, pero di naman umaayaon ang kanilang natutunan sa kanilang uri ng pamumuhay. Minsan pa nga ay naasar kami dahil sa halip na sila ay lumago, at paurong at hindi man lang maktaan ng pagbabago sa kanilang buhay. Sa kabila nito, at tiningnan namin ang aming mga sarili at napagisip-isip na kami din ay di karapat-dapat sa aming mga kahinaan, subalit dahil sa awa at pag-ibig ng Diyos, ay nakakapanatili kami sa aming tungkulin at nagagamit pa kami, upang makilala siya at ibahagi ang namin ang kanyang pagmamahal sa iba. kahit na kami'y nagkakasala din, ay nandun ang aming pagsisikap na magbago at nakikita namin ang mga pagbabago sa aming buhay. matutunghayan natin sa ating mabuting Balita ngayon ang pagpili ni Jesus sa kanyang mga alagad upang makibahagi sa kanyang gawain. Subalit, may mga kahinaan ang kanyang pinili, tulad ni Pedro na mayabang, si Tomas na nag-alinlangan sa kanyang muling pagkabuhay, si Santiago at Juan na naghangad na maging angat sa iba, si Judas Iscariote na nagkanulo sa kanya, at silang lahat ay tumakas at iniwan siya sa pahaon ng kanyang paghihirap at pagkamatay. Bagaman alam ito ng ating Panginoon, ay sila pa rin ang kanyang pinili. Sapagkat sa kabila ng kanilang kahinaan, ay nandun pa rin ang kanilang pagiging bukas sa kanyang panawagan at pagiging masigasig na tumulong at maglingkod. At dahil sa kanilang pagiging bukas at masiglang paglilingkod, ito ang naging daan ng kanilang pagbabago sa kanilang buhay at naging ispirasyon at pag-asa sa iba, gaya ng ipinakitang halimbawa ng ating Panginoon. Nawa'y ssa kabila ng ating kahinaan, ay maging bukas tayo at masigasig nating isabuhay ang misyong ibinigay niya sa atin. Nang sa gayo'y makita ng lahat ang kapangyarihan ng Diyos na patuloy na kumikilos sa atin.
No comments:
Post a Comment