Pinalapit ni Jesus ang mga tao at ang kanyang mga alagad, at sinabi sa kanila, "Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang sinumang nagnanais na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakamit nito. Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay? Kapag ikinahiya ninyo ako at ang aking mga salita sa harap ng mga taksil at makasalanang mga tao sa panahong ito, ikakahiya rin kayo ng Anak ng Tao pagparito niya na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na anghel." Sinabi pa ni Jesus sa kanila, "Tandaan ninyo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga't hindi nila nakikitang makapangyarihang naghahari ang Diyos." - Marcos 8:-34-9:1 (ABMBB)
Ang pakikiisa ay isang ugali na nagpapakita ng ating pakikibahagi sa anumang gawain o adikhain ng grupong ating kinabibilangan o ng taong ating sinasamahan. Sa twing tayo'y nakikiisa sa bawat gawain, ay ipinapakita natin na kabahagi tayo sa anumang gawain nito, dahil sa parehong layunin natin at dahil sa pagmamalasakit na ipinapakita natin sa kanila, upang makamit ang ninanais ng ating grupo o ng taong ating kasama. kapag nagtagumpay o nabigo sa sa gawain ang grupo o ng isang tao, ang bawat kasapi na nakiisa rito ay makakabahagi rin sa tagumpay o kabiguan nito. Ang pakikiisa ay nagpapakita rin ng ating pagkakakilanlan kung paano tayo mag-isip at kumilos, batay sa grupong o taong ating sinasamahan. Dahil sa iisang layunin at ninanais ang nagbibigkis sa kanila.
Mababsa natin sa ating Ebanghelyo ngayong araw ng Biyernes ang mga hinihinging kundisyon ni Jesus sa mga nagnanais maging alagad niya. Ang pagiging tunay na alagad niya ay ang pakikibahagi sa kanyang layunin at ninanais sa buhay. Ang tatlong bagay na kanyang ipinapapansin ay ang pagtanggi sa sarili, pagpasan ng Krus at ang pagsunod sa kanya. Sa pagtanggi sa sarili, ay ang pagsuko sa ating mga sariling kalooban na siyang nagiging hadlang upang hindi makita ang pagkilos ng Diyos sa buhay natin. Dahil ang buhay ni Jesus ay ang pagsunod sa kalooban ng Diyos at pagpapakita ng pagkilos ng Diyos sa buhay niya sa pamamagitan ng kanyang turo at gawa. Ang pagpasan ng Krus ay tanda ng sa bawat pagsunod natin sa kanyang kalooban, ay kaakibat na nito ang mga pagsubok at pag-uusig, dahil sa hindi ganun kadali ang pagsunod sa kanya. Ito ay pagpapakita ng pagtitiis natin dito. At ang pagsunod sa kanya, na tanda ng sa bawat pagsunod at pagtitiis natin sa pagsubok, ay ang pananatili sa kanyang presensya, dahil siya ang magpapalakas sa atin upang harapin at makayanan nating sumunod sa kanya. Ito rin ay tanda ng ating pananatili sa kanya, hindi lamang sa panahong maganda ang kalagayan ng ating buhay, maging ito man sa panahon ng pagsubok, na siyang pagpapakita ng ating katapatan sa kanya. Ngunit, isang bagay ang tiniyak ng ating Panginoon, na sa kabila ng pagtitiyaga at pagtitiis, ay may ipinangako siya sa lahat ng kanyang tunay at tapat na tagasunod, ito yung pangakong buhay na walang hanggan, na siyang ipinakita niya sa kanyang pagiging masunirin hanggang kamatayan, ay itinapok siya ng Diyos at niluwalhati. Tayo rin ay makakatulad niya kapag tayo'y nanatili sa ating pagiging alagad niya.
Nwa'y makita sa atin ang tunay na pakikiisa sa ating Panginoon, sa pamamagitan ng pagsuko ng ating sariling kalooban, pagtitiis sa pagsubok at pananatili sa kanya. Dahil ang lahat ng ito'y may kapalit na pangakong inilaan sa atin, ang buhay na walang hanggan.
Nwa'y makita sa atin ang tunay na pakikiisa sa ating Panginoon, sa pamamagitan ng pagsuko ng ating sariling kalooban, pagtitiis sa pagsubok at pananatili sa kanya. Dahil ang lahat ng ito'y may kapalit na pangakong inilaan sa atin, ang buhay na walang hanggan.
No comments:
Post a Comment