" 'Tandaan ninyo ito: maaring ipatawad sa mga tao ang lahat ng kasalanan at panlalait nila sa Diyos, ngunit ang sinumang lumalait sa Espitiru Santo ay hindi mapapatawad. Ang kanyang kasalanan ay hindi mapapawi kailanman.' Sinabi to ni Jesus sapagkat ang sabi ng ilan, 'Inaalihan siya ng masamang espiritu.' " - Marcos 3:28-30 (MBB)
Ang isa sa susi ng pagkakaroon ng kapayapaan at katiwasayan sa ating buhay ay ang pagiging bukas sa bawat biyayang nasasaksihan at nararanasan natin, maging ito man ay sa ating sarili o sa ating apwa. Nakakalungkot minsan na may mga taong ayaw kilalanin at ang bawat biyayang dumarating sa kanilang buhay, dahil sa ito ay pangkaraniwan lamang, tulad ng aing kinakain, gawain, atbp., at maging sa ating kapwa, sa halip na pasalamatan at dakilain ang Diyos at kilalanin ang mga mabubuting gawa ng ating kapwa at maging inspirasyon ito sa atin, maling hinala at puna ang kanlang natatangap dahil sa inggit at ayaw masapawan sa lahat ng bagay. Sa ating Ebanghelyo ngayon, ay mababasa natin ang mga eskribang nag-iisip ng kanilang maling akala sa ating Panginon. Akala nila'y galing sa demonyo ang kanyang kapangyarihang magpalayas nito.Tinugon to ni Jesus na kung galing kay Satanas ang kapangyarihan niya, ay magbubugay ito ng pagkawasak sa kaharian ni Satanas. Dahil masisira nito ang layunin niya, ang manggulo sa buhay ng tao. Binigyang diin niya rin ang panlalait sa Espirit Santo. Dahil ang Banal na Espiritu ang siyang kumikilos sa bawat isa sa atin upang ang Diyos ay patuloy na mahayag sa pamamagitan niya. sa twing tinatanggihan natin tinatalikuran ang bawat biyayang nararanasan natin sa ating sarili o ibinabahagi ng ating kapwa, ay hinahadlangan nating kumilos siya upang baguhin tayo at lalong lumakas sa ating pananampalataya sa Diyos na siyang maghahatid sa atin sa kaligtasan, ang manatili sa kanyang piling magpakailanman. Nawa'y manatiling bukas tayo sa kanyang biyaya at pagmamahal, sa halip na tingnan ang mga negatibong bagay na nagpapabigat sa ating buhay. Upang makita at malasap natin ang buhay na ninanais ng ating butihing Diyos na walang sawang nagpapala sa atin.
No comments:
Post a Comment