Friday, February 4, 2011

Ang Binhi (Biyernes, sa ika-4 Linggo sa Karaniwang Panahon, Taon I)

"Nakarating kay Haring Herodes ang balita tungkol kay Jesus, sapagkat bantog na bantog na ang pangalan nito. May nagsasabing, 'Siya'y si Juan Bautista na muling binuhay, kaya nakakagawa siya ng himala.' May nagsasabi namang, 'Siya'y si Elias.' 'Siya'y propeta katulad ng mga propeta noong una' anang iba pa. Sinabi naman ni Herodes nang mabalitaan niya ito, 'Muling abuhay si Juan na pinapugutan ko.' " - Marcos 6:14-16 (MBB) 

Sa twing tayo'y nakakagawa ng kasalanan o isang pagkakamali, ay kadalasang inuusig tayo ng ating konsensya dahil sa alam nating mali ang nagawa natin. Madalas, upang matahimik pansamantala ang konsensyang umuusig sa atin, waring isang multo na patuloy na nagpaparadam sa atin. Madalas, upang pansamantalang matahimik ang kosensyang bumabagabag sa atin, ay gumagawa tayo ng paraan upang iwasan ito, ngunit sa bawat pag-iwas nito, sa halip na maging isang paraan ng paghilom ng ating mga sugat sa puso at kalooban, ay lalong lumalala at nagpapasakit sa ating kalooban. Nakakalungkot na may iba, katulad ni Haring Herodes sa ating Ebanghelyo ngayong araw na ito, ay sa inaakalang mapapatigil niya si Juan Bautista matapos isiwalat ang kanyang pagkakamali, ay ipinakulong niya siya, sa halip na makinig at tanggapin ang kanyang pagkakamali. Ngunit, hindi niya magawang ipapatay, dahil sa totoo ang patotoo ni Juan. Upang matapos na ang kahihiyang dinaranas ng kanyang pamilya, ay ninais ni Herodias, ang kinakasama ni Herodes, ay ipinapatay niya ito sa pamamagitan ng isang sayaw ng kanyang anak, na siyang nagustuhan ng hari, at bilang gantimpala, ay ang ulo ni Juan Bautista. Ngunit, kahit patay na si Juan, ay patuloy pa rin siyang binabagabag nito dahil sa hindi niya pagtangap sa kanyang pagkakamali. Ang tanging paraan upang maibsan ang ating bagabag, ay naroon ang pagtanggap at pagtutuwid sa ating mga pagkukulang, sa panahong binibigyan tayo ng pagkakataon ng Diyos sa ituwid tayo. Nawa'y sa mga sandaling nangungusap ang ating Panginoon at binibigyan tayo ng pagkakataong magbago, ay pakinggan, tanggapin at ituwid nayin ang ating pagkukulang. Dahil sa bawat pag-iwas at pagtatago nito, ay patuloy itong babagabag sa ating buhay na siyang nagdudulot ng ligalig at kaguluhan sa ating buhay.

No comments:

Post a Comment