"Pag-uwi ni Jesus, muling nagkatipon ang napakaraming tao, anupat hindi man lamang makuhang kumain ni Jesus at ng kanyang alagad. Nang mabalitaan itong kanyang kasambahay, sila'y pumaroon upang kaunin siya, sapagkat ang sabi ng mga tao, 'Nasisiraan na siya ng bait.' " - Marcos - (MBB)
Iba na talaga pag sikat ang isang kilalang tao dahil sa mga magagandang katangian o naiambag niya sa ating lipunan. Pag sikat ang isang tao, nandiyan na dudumugin siya, makikipagkamay, makikipag-picture taking para lang may souvenir ka sa kanya. Kahit na kadagat na ang tao ang madadatnan mo, ay makikipagtulakan at makikipagsiksikan ka, masilayan mo lang ang hinahangaan mo. Minsan pa nga, para lang maipakita mo ang pagiging loyal fan mo, lahat ng memorabilia, bibilhin, sa event or kung nasaan si idol, ever present at walang absent. Kahit may pasok o klase o anumang gawain, pag nabalitaang darating andg sikat na taong hinahangaan mo, iiwanan lahat, para lang makita, makamayan at makahingi ng souvenir sa kanya. Kahit may bumabatikos sa idol mo, tuloy pa rin ang suporta dahil sa matinding paghanga mo sa kanya. Sa ating maikling ebanghelyo ngayon, ay makikita natin na pag-uwi ni Jesus matapos siyang magpagaling at mangaral sa ibang bayan, ay dinumog siya ng kanyang mga kababayan sa kanilang bahay na umaasang makakamit nila ang biyayang kanilang minimithi, gaya ng naririnig nila sa iba tungkol sa kanya. Ngunit, nang mabalitaan ito ng kanyang mga kasambahay, ay inlayo siya dahil sa mga usap-usapan ng iba na sa tingin ng iba ay nasisraan na siya ng ulo. Ipinapakita sa atin ng ebanghelyo ngayon ang dalawang uri ng taong nakakakilala sa ating Panginoon. Una ay yung mga nananalig sa kanya dahil sa kanilang pag-asa sa kanyang magagawa sa kanila at ang mga taong nagpaparatang dahil sa kanilang mababaw na pagkakilala sa kanya. Itinuturo sa atin kung ano bang klaseng pagkakilala meron tayo sa ating Panginoon. Kung katulad ba tayo ng mga taong lumalapit sa kanya dahil sa sumasampalataya tayo ka kanyang magagawa? O tayo ang mga taong mababaw na madaling bumitaw sa kanya dahil sa mga sandaling di siya umaaayon sa ating kagustuhan? Nawa'y maging hamon ito sa atin kung gaano kalalim ang ating pagkakilala sa ating Panginoon. Upang sa gayo'y maunawaan natin ang kanyang mabuting layunin para sa ating ikabubuti, kahit hindi ito kasang-ayon sa ating kagustuhan.
No comments:
Post a Comment